Adriana’s Point of View “It’s hot,” ang pabulong na reklamo ni Steve nang makapasok kami sa arrivals area ng Ninoy Aquino International Airport. Inabot ko naman sa kanya ang handheld fan ko. Lagpas alas-siyete na ng gabi at batid kong paparating na si Ate Celine galing California. “Addie, let’s sit there.” Itinuro niya naman ang bangko sa malapit. Sinundan ko nga siya at magkatabi kaming naupo. Kapwa kami may bitbit na inumin na kani-kanina lang ay kinukulit sa akin ni Steve habang papunta kami rito sa airport. Mabuti na lang ay kinulit niya akong dumaan ng coffee shop at mukhang matatagalan kami sa paghihintay dito. Bukod pa sa inumin ay napabili rin ako ng tinapay; just in case na gutumin kami sa paghihintay. Itinuon ko ang aking atensyon sa mga tao sa paligid; ang ilan ay lumalabas

