Chapter Two

1718 Words
Park Jae Won’s Point of View   Seoul, South Korea   Nagsisimula nang mamulaklak ang cherry blossoms. Panahon na naman ng tagsibol kaya katamtaman lang ang temperatura. Hindi mainit tulad ng sa tag-init at hindi rin naman ganun kalamig tulad sa taglamig. Pagka-park ko ng aking sasakyan ay kaagad akong pumasok ng gusali. “Annyeonghasimnikka, Sajang-nim (Good morning, Sir CEO),” ang pagbati sa akin ng mga empleyado ng Superstar Entertainment. Dumeretso ako sa aking opisina. Nadatnan ko doon si Kuya Hee Chul. “Jae Won-shi, narito ka na pala,” ang komento niya pagkapasok ko ng opisina. Inabot ko naman sa kanya ang kapeng binili ko kanina sa coffee shop. “Bakit parang ang seryoso naman ng mukha mo, Hyeong (Kuya)?” ang tanong ko. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng kanyang laptop at may tina-type. “Kailangan nating mag-usap tungkol sa Superstar Entertainment,” ang tugon naman niya. Hindi pa rin niya ako tinitignan. “Tungkol saan?” ang nagtataka kong tanong sabay upo sa sofa. Kinuha ko ang rubrics cube mula sa coffee table at sinimulan itong kalikutin. “Kailangan na nating makakuha ng investor para sa agency natin,” ang tugon niya kaya natigilan ako. Ibinalik ko naman sa mesa ang hawak ko. “Baon na tayo sa utang, sa equipments pa lang at promotion ng mga talent natin ay lugi na tayo. Lalo na katapat natin ang mga malalaking kumpanya. Kung hindi tayo makakahanap ng investor ay malaki ang pagkakataong mapasara ang agency.” Napabuntong hininga naman ako sa aking narinig. “Huwag kang mag-alala, Hyeong,” ang sabi ko naman. “Sususbukan kong maghanap ng paraan.” Napangiti lang naman siya at tumango. “Pero sa ngayon…” ang sunod kong sinabi sabay tayo. “Bibisitahin ko muna ang mga trainee natin.” “Ikaw ang bahala.” Naglakad naman ako palabas ng opisina at binisita ang mga trainee sa iba’t-ibang training room. May mga trainee kaming solo artists at mayroon namang grupo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa tuwing bibisita ako ay nakikita ko ang kanilang pagpupursige upang mapabuti ang kanilang mga talento. Ako at si Kuya Hee Chul ang mismong namili sa kanila. Pinaniwalaan namin sila at batid kong binigay na rin nila ang kanilang buong tiwala sa amin. Mahirap para sa akin na masaksihan ang pagguho ng kanilang mga pangarap. “Mr. CEO, good morning,” ang bati sa akin ng mga trainee nang pumasok ako. Ikinumpay ko lang naman ang ang aking kamay upang ipagpatuloy nila ang pag-eensayo. Dumeretso naman ako sa isang upuan at pinanood sila. “Hindi kayo nagkakasabay kung minsan,” ang komento ko. “Somi, nahuhuli ka.” “Sorry po,” ang paghingi naman niya ng paumanhin. “Gawin niyo ang makakaya niyo,” ang komento ko naman bago nagpaalam. Bumalik ako sa opisina at sinimulang tawagan lahat ng mga kakilala ko upang humingi ng pabor. Kailangan na nga naming ng tulong pinansyal. Habang tinitignan ang profile ng mga bagong mag-au-audition sa aming agency ay naka-receive ako ng isang message sa aking Kakaotalk, isang messaging app na gamit karamihan ng mga tao rito sa Korea. Kaagad kong nakita ang pangalan, si Dae Yong, ang aking matalik na kaibigan. “Libre ka ba ngayong gabi?” ang tanong niya. “Bakit?” ang tanong ko naman pabalik. “Sul mashiro gaja? (Gusto mo bang uminom?)” ang suhestyon niya. Napa-ikot naman ako ng aking mga mata at kaagad na pumayag.Magkikita kami mamayang alas-otso ng gabi.   SUMAPIT na nga ang alas-otso ng gabi, kasalukuyan akong nasa harap ng agency. Hinihintay ko si Dae Yong. Napatingin ako sa aking wrist watch at napabulong sa aking sarili, “Late na naman siya.” Habang naghihintay ay pinagmasdan ko ang isang puno ng cherry blossom sa malapit. Pinanood ko ang mga nahuhulog na tayutot ng mga bulaklak kapag umihip ang hangin. “Jae Won!” ang pagtawag ng isang boses kaya napalingon ako. Si Dae Yong na nga. “Late ka na naman,” ang komento ko. “Pasensya na, kailangan ko pang magpaalam sa asawa ko,” ang paliwanag niya. “Iyan ang nakukuha sa pag-aasawa,” ang komento ko naman habang nakapamewang. “Kinukuha lang nila ang kalayaan at oras mo.” “Masaya ako sa buhay ko,” ang tugon naman niya. “Eh, ikaw ba? Kailan mo balak mag-asawa?” “Hindi ako nagmamadali. Bata pa ako,” ang tugon ko naman. Bente-siyete pa lang naman ako. Karaniwan na sa aming bansa ang magpakasal kapag lagpas trenta ka na. Hindi ko nga alam kung bakit ang agang nagpakasal nitong si Dae Yong. “Iinom ba tayo o magkwekwentuhan na lang?” “Tara na nga!” ang yaya niya. Sinundan ko naman siya patungo sa kanyang sasakyan. “Saan tayo ngayon?” ang tanong niya nang magsimula siyang magmaneho. “Sa dati ba?” “Bored na ako sa palagi nating pinupuntahan,” ang komento ko naman. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. May bagong bukas na Club sa Itaewon. “Daeyong, jamkkanman (Sandali lang), may bagong bukas na Club. Puntahan natin. Kaagad naman siyang pumayag at nag-park sa tabi. Pagkababa namin ng sasakyan ay sinuri ko ang club. “Bulg-eun Dugeon” na nangunguhulugang “The Red Bandana”.  Pumasok naman kami sa night club na ‘yun. Parte ng kanilang uniporme ang pulang bandana na suot nila sa kanilang ulo. Kaagad kaming nagpunta sa bar at umorder ng inumin. Hindi ko namalayan na nagpakalunod na ako sa alak at nawalan na ako ng kontrol sa aking sarili. “Jae won, pupunta muna ako sa banyo,” ang paalam niya. Hindi naman ako umimik at napatingin sa barista. “Ikaw,” ang sabi ko. “May kakilala ka bang makakatulong sa akin?” “Ahjussi (Sir),” ang tugon naman niya. “Ano pong tulong ang kailangan mo?” “Kailangan ko ng pera, pera para maisalba ang agency namin ni Kuya,” ang paliwanag ko. “Gagawin ko ang lahat para sa agency namin.” “Lahat?” ang tanong niya. “Oo, lahat!” ang pagalit kong sinabi. “Pero… paano mo ako matutulungan?” Natawa naman ako sa aking kinauupuan. Naramdaman ko ang tuluyang pagsakop sa akin alak. Pagpikit ko ay nawalan na ako ng malay.   MINULAT ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang sakit ng aking ulo, napahawak ako dito at napa-ungol. Pinilit kong bumangon at tumingin sa paligid. Nasa condo unit na ako. Ang huli kong naaalala ay nasa night club ako at kasama ko si Dae yong. Siya na mismo siguro ang naghatid sa akin dito. Kinuha ko naman ang phone ko na nasa aking bulsa. Tinignan ko ang mga mensahe ni Dae Yong na puno ng pagmumura dahil siya ang nag-asikaso sa akin. “Kung sana sa kama ko mo na lang ako inilagay at hindi sa sofa,” ang tugon ko naman. Suot ko pa rin ang mga damit ko kagabi. Tumayo ako at tinanggal ang aking dress shirt. Natigilan naman ako nang may mahulog. Napatingin ako sa sahig. Isang card, kinuha ko naman yun at sinuri. RnJ Services ang nakalagay at isang address sa Gangnam. Napakunot ako ng noon ang subukan kong alalahanin kung sino ang nagbigay nito. Baka si Kuya Hee Chul. Loaning Company siguro. Inilapag ko naman yun sa center table at natungo sa aking kuwarto para mag-ayos. KAAGAD ko naming pinuntahan ang address sa card. Isang maliit na opisina ang aking nadatnan. Parang hindi mapagkakatiwalaan. Pumasok naman ako at binati ng nag-iisang tao roon. “Hello, narito ako dahil dito,” ang hindi ko siguradong sinabi sabay pakita ng card. “Mister Park, inaasahan ko ang pagpunta mo,” ang tugon naman niya. “Kilala mo ako?” ang tanong ko. Napatango naman siya sabay turo sa upuan sa harap niya. Naupo naman ako. “This is a lending company, right?” “Kung ganoon mo siya tatanggapin, bakit hindi?” ang reaksyon naman ng babaeng kausap ko. “Anyway, ako nga pala si Lee Nee Wan, ang branch manager ng RnJ Services dito sa Korea. Narinig namin na… may pangangailangan ka. At handa kaming tulungan ka.” “Anong kailangan kong gawin, Miss Lee?” ang tanong ko naman. “Simple lang,” ang pagsisimula niya. “Matapos makita ni Sir Ricardo, ang boss namin, ang profile mo ay kaagad siyang nagpadala ng isang proposal. One billion won.” “O-one billion won?!” ang gulat kong reaksyon. Napakalaking pera. “Yes, Mr. Park,” ang pagkumpirma niya. “Isa lang naman ang gagawin mo bilang kapalit, ang magtrabaho sa amin bilang hired husband.” “Jwisonghamnida (I’m sorry),” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “Hindi ko naintindihan ang sinabi mo.” “Bilang kapalit sa isang bilyon na investment ng RnJ services sa Superstar Entertainment, kailangan mong magtrabaho sa amin,” ang paliwanag niya. “May mga kliyente kami na naghahanap ng mga lalaking magpapanggap bilang asawa nila.” “Gaano katagal?” “Depende sa kontrata,” ang kaagad niyang sagot. “At dahil malaki ang halaga na i-i-invest ng RnJ ay naka-kontrata ka ng ilang buwan.” “P-pero paano ang reputasyon ko?” ang muli kong tanong. “Nasa entertainment industry ako.” “Hindi ‘yan problema, bibigyan ka ng bagong pagkakakilanlan. Kailangan mo ring magtungo sa Pilipinas upang mag-train,” ang pagklaro niya sabay lapag ng isang waiver sa mesa. Napatingin naman ako sa papel at nakita ang ilan sa mga sinabi niya. Napapikit ako sa aking mga naririnig. Pilipinas? Marami akong narinig na hindi maganda tungkol sa bansang ito. Hindi ko rin alam kung gugustuhin kong pumunta sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Minulat ko ang aking mga mata. Napabuntong-hininga ako at tumango. Kinuha ko ang sign pen mula sa bulsa ng aking suot na coat at pinirmahan ang waiver. “We’ll get your papers ready,” ang saad naman ni Lee Nee Wan. “We’ll keep in touch kapag may schedule na ang paglipad mo patungo sa Pilipinas.” Tumayo ako nakipagkamay sa kanya bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Tama nga ba itong gagawin ko? Para sa Superstar entertainment at sa mga hawak naming trainee; gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD