KABANATA 7

1296 Words
NAGPALINGA - linga ako at nahagip ng mata ko ang isang matangkad at matipunong lalaki na nakasandal sa isang magarang sasakyan. Wearing a dark blue button down shirt and black slacks with black leather shoes. His hair is slightly disheveled and its freaking hot! My eyes wandered more to his body feature up to his face, his eyes. I know those eyes. Si Colton. Nang makita nya 'ko,naglakad sya papalapit sakin. Ang puso kong ilang taon ding natulog ay biglang na nabuhay at nag-alab sa karerang nagaganap sa loob nito. Bakit sya andito? Bakit wala si Marky? Teka, bakit sya papalit sakin? "Let's go..." sabay kuha nya sa maleta ko. Nagtaka ako ng sobra kaya hinigit ko ang kamay nya na nakahawak sa maleta ko. "Saan mo 'ko dadalhin? At bakit ikaw ang andito? Si Marky ang hinihintay kung sumundo sakin..." sabi ko at tiningnan sya sa mukha. f**k! Ilang taon akong nawala at hindi ko sya nakita man lang kahit sa internet. Kung gwapo sya noon, ewan ko na lang ngayon. He looked at me dangerously. "He's already waiting for you...in our home..." ang tanging sabi nya at hindi na hinintay ang sagot ko. Diretso na sya sa paglagay ng gamit ko sa may compartment. Habang naiwan akong nakanganga ngunit unti-unti na ring naglakad papasok ng sasakyan. Ni hindi man lang ako pinag buksan! 'Asa ka pa Reonn. Hindi porket may nangyari sa inyo noon, ay magiging gentleman sya.' Habang bumabyahe hindi ko na talaga maintindihan kung bakit sya ang sumundo sakin. Kung bakit nasa kanila na si Marky, at naghihintay daw sakin? Ano ba talagang meron. "You're thinking too much...my lil' sister..." and he smirked. My brows furrowed to his last words. At ngayon humarap na 'ko ng bahagya sa kanya. "W-what did you just say?" at hindi sya nilubayan ng titig. Tumingin sya saglit sakin. And smirked again! "It's not my story to tell, wait 'till we get home..." aniya Naguguluhan na talaga ako. Pero napaisip ako sa mga huling salita nya. 'Sister', ibig bang sabihin ay... No.No.No ano ba 'tong naiisip ko. I'm sure mali 'tong inaakala ko. Nagsimula akong kabahan at kilabutan sa napagtagpi-tagpi ko. Biglang tumigil ang sasakyan, hudyat na andito na kami. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami dahil sa pag-iisip ko. Bumungad sakin ang isang 2 storey mansion. Nagkibit balikat ako. Ano pa nga ba eh, bilyonaryo nga sila. Hindi na nakapagtataka ang ganito kalaking bahay. At bukod pa diyan, mas inaalala ko ang mga naiisip ko kesa sa engrandeng bahay na nasa harapan ko. Pagkababa ko, sumunod ako kay Colton. As usual, hindi rin ako pinagbuksan ng pinto sa sasakyan. 'Asa ka pa talaga Reonn.' Hindi ko pinansin ang kagandahan ng buong bahay. Ang gusto ko lang ay makita si mommy. At nagsisimula na ngang tumama ang mga naitagpi ko saking utak. "Reonn, hija! Welcome home iha, I missed you so much!" si mama, na niyakap ako ng mahigpit dito sa napakahaba nilang dining table. Imbis matuwa akoy, kinakabahan ng sobra. Napangisi lang ako kay mommy. "Welcome home inggrata..." ani Marky at sabay yakap sakin. Agad akong may ibinulong sa kanya. "Wtf is happening here Marky..." sabi ko sa napakahinang boses at sigurado naman akong narinig nya. Bago pa sya kumawala ng yakap ay sinagot nya 'ko. "Well, f**k is happening..." aniya Sunod na lumapit sakin si Tito Agusto. Na may malaking ngisi sa mukha. Oh f**k! I knew this. "Maligayang pagdating, hija." aniya at niyakap ako ngunit sobrang gaan nito na parang natatakot syang maglapat ang mga katawan namin. "Thank you po, Tito..." sabi ko "Well, let's start the dinner, baka lumamig na ang pagkain..." he slowly chuckled. Napangisi si mommy at walang reaksyon si Marky at ganun din si Colton. Pinagitnaan ako ni mommy at Marky. Nasa center ng table si Tito Agusto at sa kabilang gilid ni Tito si Colton. Walang ano-ano at nagsimula na kaming pagsilbihan ng mga kasam-bahay nila. Napakadaming pagkain, animoy fiesta. Katakam takam ang mga ito ngunit parang wala akong ganang kumain. Sobrang awkward na ng nangyayari. Wala yatang may balak na maunang magsalita kayo ako na ang bumasag sa katahimikan. "So, mom, what exactly is this all about?" sabay tingin ko kay mommy kahit na alam ko naman na ang sagot. Tumikhim si Tito Agusto, at madilim akong tinitigan ni Colton na para bang galit ito sa akin. Isa pa 'tong kumag nato. Mamaya na kita iisipin. "You know hija, ahm... I and your tito, is getting married..." ani mommy at tinitigan ko sya sa mata at nakita kong walang halong pagbibiro ang mga sinabi nya. Parang may punyal na sumaksak sa puso ko at naalala ko bigla si daddy. "W-what?!" napailing ako at uminit ang gilid ng aking mata sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Feeling ko ay nagbalik ang lahat ng sakit na ilang taon kong pinaghilom sa ibang bansa. Pinilit ko ang sarili kong wag maiyak sa harapan nila. "Your mom and I have been together for 2 years, hija..." ani tito na hindi ko tiningnan. Na kay mommy lang ang mga titig ko. "Mom, wala kang sinabi na...na kayo ni tito, tapos ngayon sasabihin nyong ikakasal na kayo?" sabi ko Hinawakan nya ang mga kamay ko at pinisil. "Dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon mo, anak. Ayaw kong mabigla-..." pinutol ko agad si mommy. "Bakit ngayon mom, hindi pa ba ako mukhang nabibigla?" sabi ko at yumuko sya. Ngayoy umiiyak na. "Reonn, please let me be happy, alam mo naman anak diba, ilang taon kong sinakripisyo ang puso ko dahil sa kagustuhan ng magulang ko noon na maikasal sa daddy mo para sa negosyo. Pati ba naman ikaw anak, tutol din?" at humagulhol na si mommy Agad bumuhos ang mga luha ko sa sinabi ni mommy. Pakiramdam koy wala akong pinagkaiba sa mga magulang nya. Pero bakit ang hirap tanggapin na mag-aasawa ulit si mommy, sa taong sya mismo ang dahilan sa pagkamatay ni daddy at tita Magda. Hindi pa ba sapat na pareho kaming nawalan ng mahal sa buhay? Kailangan pa ba talagang ipagpatuloy pa nila ang pagmamahalan nila? At bukod dun, magiging kapatid ko pa si Colton, ang lalaking unang kumuha sa p********e ko. Iniisip ko pa lang na makasama syang nakatira sa iisang bahay ay hindi nako mapakali! Hindi ako makapag-isip ng diretso kaya tumayo ako at nabaling ang lahat ng atensyon sakin pati na si Colton na hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mga mata nya ngayon. "I'm tired. Thank you for this dinner..." tanging sabi ko at agad umalis. Sumunod sakin agad si Marky, at alam ko na yun agad. Sumakay kami agad sa sasakyan nya at wala akong pakialam kong saan nya man ako balak dalhin. Walang humpay sa pagbuhos ang mga luha ko sa sakit na nararamdaman ko. Naalala ko ang lahat ng mga sinabi ni daddy bago sya mamatay. Kung gaano sya nasaktan at nalungkot sa ginawa ni mommy at kung gaano pa rin nya kamahal si mommy. Hindi ko lubos maisip na aabot pa kami sa ganito. Na ikakasal ulit si mommy. Pero ano pa nga ba? Great love nya si Tito Agusto. At kahit pa hadlangan pa sila ng buong mundo. Kung puso na ang kalaban. Walang makaka hadlang dito. Binigyan ako ni Marky ng panyo at tinanggap ko yun. Bahagya nyang hinahagod ang likod ko upang kumalma ako sa kaiiyak. "May alam ka ba dito?" sabi ko "Wala Reonn, I swear wala akong alam. Pero nung andun na 'ko sa bahay nila, may duda na 'ko." aniya "Anong gagawin ko Marky.." nabasag ang boses ko. "Sssshh... you need to rest. Saka mo na yan isipin kong kaya muna itong isipin. Upang makapag-isip ka ng mabuti at makapag desisyon ng tama at ng wala kang pagsisihan sa huli..." aniya Tumingin ako sa kanya at ang mga mata nya ay punong-puno ng pag-aalala. Ngayon ko lang narinig na nagbigay sya sakin ng seryosong mga salita. Dahil nasanay na ako na puro kabulastugan lang ang palaging sinasabi nya sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD