RICO'S POV "MY DAILY DIARY" Sinimulan kong basahin ang sinulat ng asawa ko sa diary niya. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin. "Dear diary, Makulimlim ang panahon ngayon. Parang katulad ng nararamdaman ko. Ang mga luha ko ay malapit na ring pumatak na parang ulan. Ganito pala, ganito pala ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo ay nawawalan ng pakialam sa 'yo. Mahal ko ang asawa ko, pero pakiramdam ko ay hindi sapat ang pagmamahal ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya kayang pasayahin gamit ang pagmamahal ko. Simula noong na-aksidenti siya ay nagbago na ang lahat sa kanya. Hindi na siya ang Rico na malambing. Ang Rico na mahal ako. Ang Rico na palabiro at palagi akong iniinis. Pero naiintindihan ko naman dahil alam ko na may pinagdadaanan siya. Alam ko na nahihirapan siy

