CHERRY'S POV Grabe 'yung saya na naramdaman ko dahil nalaman ko na ang gender ng mga babies ko. Hindi ko sinabi kay Rico na kambal ang magiging anak namin. Masaya ako dahil nagkaayos na kami. Hindi ko alam pero ayoko ng magtanong sa kanya na may kinalaman sa nakaraan. Dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ako ang pinili niya. Dahil nandito na siya sa tabi ko. At kasama namin ng mga magiging anak namin. "Nakakatuwa dahil pares na ang magiging anak niyo." Saad sa akin ni Aling Beth. "Opo, masaya rin po ako na babae at lalaki na kaagad ang nabuo namin." Masayang sagot ko sa kanya. "Pero sino ba ang may lahing kambal sa inyo?" Tanong pa niya sa akin. "Ako po," sagot ng asawa ko. "Kaya pala, sige maiwan ko na muna kayo ha. Salamat dito sa binigay niyo. Pagpalain pa kayo ng Panginoon."

