CHERRY'S POV Gabi na at naghihintay ako sa pag-uwi ni Rico pero wala pa siya. Hindi man lang siya tumawag sa akin. Hindi rin nagtext kung uuwi ba siya o hindi. Pero kahit na ganun ay matiyaga akong naghihintay sa pagdating niya. Nakatulog na lang ako pero walang Rico na dumating. Bumangon ako para bumaba. Habang pababa ako sa hagdan ay napaisip tuloy ako kung pinuntahan siya nang babae kahapon. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot. Pero nagulat na lang ako dahil kakauwi lang niya ngayon. Kaya bumalik ako sa silid namin para sundan siya. Pagkarating niya sa kwarto namin ay diretso kaagad siya sa banyo para magshower. Ramdam ko na may kakaiba sa kanya. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tanong ko sa kanya paglabas niya sa banyo. "Sorry, nasa trabaho ako buon

