Chapter 4-Bayadan mo ang serbisyo ko.

1035 Words
Anong kasal? Di pa nga siya nagkaka-boyfriend, ikakasal na kaagad siya? At sinong Kroen?” “Excuse me, Mister─” “Maging ang pananalita mo ay nagbago na din. Saan ka ba nagkuta? At anong mga kahalayan ang pinaggagawa mo sa loob ng isang taon na nagdaan?” bakas ang puot sa mga salitang binibitiwan nito. ‘Ano daw?’ Teka muna, ha? Baka gusto ng lalaking ito na masaktan. Mukha ba akong p****i? Kung sapakin ko kaya siya ng isa? “Excuse me? Hindi ako mahalay. Baka ikaw diyan ang mahalay. Kanina mo pa kaya tinitingnan ang… ang mga legs ko.” Awtomatikong inalis niya sa pagkakasukbit sa balikat ang kanyang back pack at itinakip iyon sa kanyang mga hita. Tumaas ang gilid ng labi nito sa ikinilos niya. Para bang sinasabi nito na wala namang silbi kung takpan man niya ang kanyang sarili. Well, he was right, anyway. Hindi kayang itago ng bag ang makikinis na hita niya. “Paanong hindi kita titingnan kung ganyang ibinabandera mo na sa sangkatauhan ang katawan mo?” panunuya pa nito. Aba’t… “Ano?” napasinghap siya dala ng matinding inis sa lalaki. Gwapo nga, napakaarogante naman. “Anong sinabi mo? Hindi ko ibinabandera ang katawan ko. Baka di mo alam, ito ang latest fashion trend sa amin ngayon. Itong suot ko,” Hinawakan niya ang sleeve ng suot na white polo. “Signatured ito. Mahal ito. Pati itong shorts ko. Kung maka-okray ka… akala mo kung sino.” He glared at her with his i-don’t-know-what-you’re-talking-about look. Napabuntong-hininga na naman siya. Mukhang di talaga nito naintindihan ang mga pinagsasasabi niya. “Ito ang uso ngayon sa lugar namin. Uso, ibigsabihin, napapanahon. Kumbaga, ganitong uri ng pananamit at style ang sinusunod ng marami.” Sumasakit na ang ulo niya sa pagpapaliwanag ng mga napakasimpleng bagay sa lalaking ito na ni hindi niya kilala. At bakit nga ba siya nag-eeffort na magpaliwanag pa rito? Ah! Oo nga pala, utang niya ang kaligtasan niya rito. Muli ay napansin niyang nag-igkasan na naman ang mga kilay ng gwapong lalaki. “May nakikita ka ba ditong katulad ng uri ng pananamit mo at nasasabi mong napapanahon ang ganyang pananamit?” pumalatak ito. “Napakahalay tingnan!” “Di ba sinabi ko na nga sayo na di naman ako taga rito? At ano bang lugar ito? Bakit ganito kayo rito? Huling-huli na kayo sa civilization.” Nagtagisan ang mga bagang nito na para bang di nagustuhan ang sinabi niya. Ano bang mali sa mga sinabi niya? Nagiging matapat lang naman siya. “Hindi mo naman kailangang magsinungaling para lang makatakas sa akin. Binibigay ko na ang kalayaan mo sa kung anumang nais mong gawin sa buhay. Hindi naman kita pipiliting makipag-isang-dibdib sa akin kung ayaw mo na sa akin, Kroen. Huwag mo lang akong gawing mangmang!” Pagkasabi noon ay tumalikod na ito para iwan siya. Agad na iniayos niya ang backpack sa pagkakasukbit at sumunod rito. “Hoy, lalaki!” hiyaw niya. “May pangalan ako.” Malamig na saad nito na hindi naman lumilingon. Patuloy lang ito sa paglalakad at patuloy lang din siya sa pagsunod rito. “Pwes, pasensya ka. Hindi ko alam ang pangalan mo kaya tatawagin nalang kitang ‘lalaki’.” Yamot na lumingon ito sa kanya. Dahil hindi niya iyon inaasahan ay kamuntik na siyang mabunggo sa dibdib nito. And hell, he smells good… utterly good. “Tigilan mo na ang kalokohang iyan. Bumalik ka na sa kung saan mang lupalop ng daigdig mo nais pumunta. Matatakot lang ang mga tao sa lugar na ito sa uri ng pananamit mo. Alam mo namang isang kasalanan rito ang ganyang uri ng pananamit para sa mga kababaihan.” Ah, iyon pala ang dahilan kung bakit parang natakot ang ale sa kanya, kaninang makita siya nito. Iniisip noon na isa siyang mahalay at makasalanang babae. Oo nga pala, masyadong konserbatibo ang mga sinaunang Pilipina. Pero nasaang panahon ba siya? Nag-time travel ba siya? Dahil sa kapaligirang nakikita niya, malamang na ganoon nga ang nangyayari. Pero, totoo ba ang lahat ng ito? Baka naman nananaginip lang siya. Kung panaginip ito, then, she'll play along. “Sandali nga!”naiiritang saad niya. “Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasasabi mo. Sino ba si Kroen? At anong kasal? Ba’t naman ako magpapakasal sayo? Hindi naman kita kilala.” Maiging malaman niya ang takbo ng panaginip na ito. “Ikaw si Kroen at nagkasundo tayo noon na magpapakasal pero bigla ka nalang nawala.” naasar na paliwanag nito. “Hindi nga sabi ako si Kroen.” Asar na sambit niya. Aba, kung nananaginip siya, bakit pa siya magpe-play ng ibag character? “Ni hindi ko siya kilala. I’m Aila. You can call me Aie if you want.” Nangunot na naman ang noo nito. At isa lang ang ibigsabihin noon, kailangan niyang ipaliwanag sa mas malinaw na paraan ang mga sinabi niya. “Aila ang pangalan ko, pwede mo akong tawaging Aie kung gusto mo.” sabi niya. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng pagmumukha nito. Parang hindi naniniwala sa mga pinagsasasabi niya. Bahala ka nga! Nah! Ayaw na pala niyang sakyan ang panaginip na ito. Kailangan na niyang magising. Pero sa malas, mukhang hindi talaga ito panaginip. “Maniwala ka man o hindi, hindi talaga ako ang fiancée mo. Ni hindi ko siya kilala. Hindi ko din alam kung paano akong napunta sa lugar na ito. Isa nalang ang gusto kong gawin, ang makauwi na sa amin. Marami pa akong mahahalagang dapat na asikasuhin. At pag-aaksaya lang ng panahon ang pakikipag-usap sayo.” Kailangan na talaga niyang makauwi. Kailangan niyang linawin sa ama ang tungkol sa mga nangyari sa kanya kanina─rather kagabi. Bakit may gustong dumukot sa kanya? At bakit may babaeng biglang tumulong sa kanya na para bang alam na noon na may ganoong magaganap? Tinitigan siya ng lalaki na para bang inaaral ang kanyang anyo. Pagkuway nag-iwas ito ng tingin. “Hindi ikaw si Kroen?” paninigurado pa nito. “Hindi nga. Ang kulit mo, ah?” “Kung ganoon,” Iniangat nito ang isang palad sa harapan niya. “Akin na ang bayad mo.” “Bayad ko?” nagtatakang tanong niya. “Oo. Bayad mo.” “Bayad saan?” “Sa pagliligtas ko sayo kanina.” Napamaang siya. Hindi niya inaasahang maririnig iyon mula dito. Akala pa naman niya’y mabuting tao ito dahil sa ginawang pagtatanggol sa kanya. Ayun naman pala, hindi lang ito arogante, suwapang din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD