Natatawang iwinasiwas ni Aila ang kamay sa harapan ng lalaki. “Naku, imposible iyon. At wag kang mag-alala diyan. Bisita niya lang ako. Wala akong kakaibang relasyon kay Ryeuki. As if, iba ang type non, ano ka ba?” Para bang nakahinga ng maluwag ang lalaki. “Napansin kong kakaiba kang magsalita. Saang bayan ka nagmula. O siguro ay mas tamang itanong kung saang teritoryo. Dahil maski ang pananamit mo ay kakaiba. Maski sa mga karatig na bayan ay hindi pasok ang ganyang pamantayan ng kasuotan.” “Ahm… paano ko ba i-eexplain? Basta taga malayong-malayo akong lugar. As in wala sa mapa niyo. Napadpad lang ako dito tapos binigyan ako ng mission ni Ryeuki. Tapos eto na nga, we are wandering all over para hanapin ang mga choosen warriors. Baka isa ka sa mga iyon?” “H-Huh?” naguguluhang tanong n

