Ethan Montgomery's POV
Alam mo, sanay na ako sa ganitong mga eksena. Kingsfield University, home of spoiled rich kids, walang pakialam kung gaano ka kagaling, basta marami kang pera at may kilala ka, pasok ka na. Ako? Wala akong masyadong pake sa lahat ng drama dito. Papasok, tatapusin ang mga kailangan, tapos lalabas. Tahimik lang, hindi masyadong nakikisalamuha. All I do is study, nothing else.
Pero ngayong araw na ‘to, may bago sa grupo na dinala ni Michelle. At hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.
Habang nakaupo ako at nagpapalipas ng oras sa canteen, nakita ko agad si Matt na may nilalapitan sa may pinto. Medyo natawa ako sa sarili ko. May bago na namang target si Matt. Tsk. Alam kong mahilig siyang mang-asar, pero mukhang mas seryoso siya ngayon. Nakatingin siya doon sa bagong babae, si Brittany, ‘yung bagong salta.
Napansin ko si Brittany na parang naiilang habang kinakausap siya ni Matt, at hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Mukhang natatakot siya, pero may kakaiba sa reaksyon niya. I don't know what it is, but Matt will sure find out.
Pagbalik namin sa classroom ng matapos ang break, tahimik akong nakaupo sa tabi ni Matt. Nakita ko ang expression ni Brittany nang bumalik siya sa upuan, at ang paghamon ng tingin niya kay Matt. Halatang pinipilit niyang maging matapang, pero kita ko ang nerbyos sa likod ng mga mata niya.
Si Matt, as usual, nakangisi lang, halatang nage-enjoy sa kung anumang laro ang sinimulan niya sa babaeng ‘to. Ewan ko ba, hindi ko gets minsan si Matt. He enjoys pushing people’s buttons, lalo na kung alam niyang may tinatago sila. I guess may satisfaction siyang nakukuha sa ganon.
Nagkatinginan kami ni Michelle mula sa kabilang row. Alam kong pareho kaming naiintriga sa ginagawa ni Matt. Si Michelle pa, madaling makaramdam ng motibo ng ibang tao. Tinapik niya ako sa braso.
"Hindi ba nakakapagod ‘yang drama ng kaibigan mo?" tanong niya, mababa ang boses para hindi marinig ni Matt.
"Nasanay na ako," sagot ko, sabay taas ng balikat. "Pero mukhang iba ang trip niya ngayon."
Tinanguan niya ako, sabay tingin kay Brittany. "May alam ka ba tungkol sa kanya? Si Brittany?"
Umiling ako. "Bagong salta lang ‘yan, probably a scholar holder."
Marami na akong nakitang ganitong eksena sa Kingsfield, mga babaeng nagpapapansin, mga lalaking tulad ni Matt na walang ginawa kundi maghanap ng bagong pagkakaabalahan. I don't know about Brittany yet. Sa ngayon, nakikita ko sa kaniya ang pag-iwas, maybe because unang araw pa lang. We'll see in the upcoming months... or maybe weeks.... or days.
Pagkatapos ng klase...
Matapos ang huling bell, nakangiti si Matt habang naglalakad papunta sa pintuan ng classroom. Nagpaalam na ako kay Michelle at sinimulan ko na ring magligpit. Pero bago ako tuluyang makalabas, napansin kong nagmamadaling lumabas si Brittany, hawak-hawak ang mga gamit niya na parang ayaw nang tumingin kahit kanino.
Ewan ko ba, pero may parte sa akin na gustong malaman kung ano ang problema niya kay Matt. She looked... scared, almost. Pero iba ‘yung takot niya, hindi takot sa kung anong gagawin ni Matt, kundi takot na baka may matuklasan si Matt tungkol sa kanya.
Nakalabas na ako ng building at napansin kong naglalakad din sa hallway si Matt, kasama ang ilan naming kaibigan, nag-uusap-usap tungkol sa mga plano nila para sa gabing ito. Clubbing daw, as usual. Alam mo, minsan gusto ko ring sumama, pero mas madalas mas gusto ko na lang mag basa ng libro.
Naglakad ako papunta sa parking lot, nang biglang makita ko si Brittany na nakatayo sa may gilid ng gate. Dumaan ako sa harap niya, at napansin kong hindi pa rin siya gumagalaw.
"Brittany," sabi ko, hindi ko rin alam kung bakit ako tumigil. Pero siguro gusto ko lang malaman kung anong iniisip niya. "You okay?"
Nagulat siya, at parang napatingin siya sa akin na parang hindi niya inaasahang may papansin sa kanya. "Oh, uh, yeah, I’m fine," sagot niya, halatang kinakabahan.
Tahimik akong tumango, pero may gusto akong itanong. "Si Matt ba? Ginugulo ka?"
Kita kong nagulat siya sa tanong ko. And then, she tried to laugh it off, pero halatang pilit. "Hindi... well, siguro. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman ako madaling masindak ng kung sino-sinong umaasatang bad boy." sabi nya.
"Hindi ako nag-aalala." sabi ko naman at itinaas ko na ang bintana ng sasakyan ko at muli itong pinaandar.
Brittany Harries' POV
Siraulo talaga 'to, "MAGKAIBIGAN NGA KAYO! PAREHAS KAYONG MAY SIRA SA UTAK." sigaw ko sa papalayong sasakyan kaya naman may mga estudyante na napalingon sa akin.
Bwisit kasi yung lalaking 'yun, kunwari pang lumapit. Akala mong concern tapos pumunta lang pala para mang-inis. Jusko Lord! Unang araw pa lang pero sinusubok na ng tadhana ang pasensya ko.
Nang huminto ang jeep sa harap ko, dali-dali akong sumampa at umupo sa dulong bahagi, malapit sa pinto. Gusto ko nang makauwi agad at makapagpahinga bago ang shift ko mamaya sa club. Pumikit ako sandali, sinubukang pigilan ang pagod na bumabalot sa katawan ko mula sa buong araw na klase at sa tensyon na dala ng mga pangyayari sa school kanina.
Mabilis namang umandar ang jeep, at tahimik akong nagmamasid habang patuloy ang biyahe. Kahit may mga ingay sa paligid, hindi ko iyon pinansin, masyado pang sariwa sa isip ko ang mga nangyari kanina. Si Matt kasi, hindi ko alam kung nakikilala nya ako o hindi.
Naalala ko ang mga mapanuksong ngiti niya, ang pilyong tono ng boses niya na sinusubukang guluhin ang isip ko. Hindi ako basta-basta magpapaapekto sa kanya, pero alam kong kailangan kong maging maingat.
Pagdating sa bayan, agad akong pumara. Naging abala ako sa pagbili ng mga kailangan sa bahay, ilang de-latang pagkain, instant noodles, sabon, toothpaste, at mga pang-araw-araw na gamit. Mabilis kong isinilid ang lahat sa isang malaking eco-bag, at napabuntong-hininga ako. Kailangan kong matutong tipirin ang pera ko, lalo na’t hindi biro ang mga gastusin ngayon, at may shift pa ako mamaya sa club. Kailangan ko ‘tong trabaho dahil malaking tulong ito sa amin ni Papa.
Matapos kong mabili ang lahat ng kailangan, sumakay ako ng tricycle para makauwi agad. Tahimik akong nakaupo sa likuran habang umaandar ang tricycle sa makitid na kalsada papunta sa bahay namin. Nakatitig lang ako sa daan, iniisip kung gaano kabilis ang takbo ng buhay, na lahat ng bagay ay kailangan kong bigyan ng halaga dahil hindi mo alam kung kailan kukunin sa'yo.
Nang makarating ako sa bahay, agad akong nagbayad sa tricycle driver at bumaba na. Huminga ako nang malalim habang nilalakad ang daan papunta sa harap ng bahay namin. Medyo luma na ang pinturang beige sa pader, at may ilang parte ng bakod na kailangan nang ayusin.
"Hi, Pa!" bati ko kay Papa nang mapansin kong nasa garahe siya, may kinakalikot na mga pyesa ng kung ano. Pero gaya ng dati, walang reaksiyon mula sa kanya. Hindi siya tumingin o tumango man lang, at tuloy lang siya sa ginagawa niya, parang hindi niya ako narinig.
Sanay na ako sa ganitong trato ni Papa. Alam kong hindi niya ako binabati pabalik, hindi siya nagtatanong kung kumusta ang araw ko, o kung ano ang balita sa akin. Alam ko na rin kung bakit, hindi na niya ako kailanman tiningnan sa parehong paraan simula nang nangyari ang isang bagay na hindi na niya magawang kalimutan. Sa kabila nito, hindi ko na rin ininda. Ang mahalaga, narito siya, may bahay kami, at kahit papaano, alam kong nasa isang bubong pa rin kaming magkasama.
Pumasok ako sa loob ng bahay, inilapag ang mga pinamili sa lamesa, at nagdesisyong saglit na maupo. Napakabigat ng pakiramdam ng katawan ko. Ang hirap maging estudyante sa umaga at maging ibang tao sa gabi. Inabot ko ang tubig sa tabi ng mesa at uminom ng isang baso, pilit na nilulunok ang lungkot at pagod na nararamdaman ko.
Brittany Harries, kaya mo 'to, sabi ko sa sarili ko, tahimik na pinapalakas ang loob ko. Alam ko na kahit mahirap, kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong kayanin ang lahat ng ito, para sa sarili ko, at para rin sa papa ko.
Kahit papaano, sa simpleng paraan, may pamilya pa rin ako.
Pagkatapos kong iayos ang mga pinamili ko, napagdesisyunan ko na pumasok na ng kwarto ko para maligo. Habang ang malamig na tubig ay pumapatak sa buo kong katawan, hindi ko na napigilang sumabay ang mga luha na bumuhos. I tried my hardest to keep it together pero ngayon, parang kinakain na ako ng kalungkutan.
Nagsabay-sabay ang pagod, pangungulila at lungkot na nararamdaman ko na kahit ang katawang lupa ko ay hindi na kinakaya. "Mama, miss na miss na kita. Namimiss ko na ang pag-aalaga mo. Miss ko na ang pangungulit mo sa akin at sobrang miss na miss ko na ang mga kwento mo." napaupo na lang ako sa sahig ng banyo habang patuloy na dumadaloy ang tubig sa katawan ko. "M-Mama, nalulungkot lang ako d-dahil u-unti-unti ko na nakakalimutan y-yung boses mo."
Mahal na mahal kita mama at kahit kailan, hinding-hindi ka makakalimutan ng puso at isipan ko.