Ethan Montgomery's POV
"Are you stalking me?" I asked her dahil kanina pa sya sulyap ng sulyap sa akin, and it's annoying me.
Pero si Brittany, imbis na mahiya, ngumiti lang sa akin, yung tipong parang wala lang, na para bang hindi siya nahuli sa akto. “Ako? Stalking you? Haha! Ano ka ba, Ethan!” Natawa siya, halatang kinakalog lang ang sitwasyon. Matapos nyang sabihin iyun, bumalik na sya sa ginagawa nya, at nagkunwaring nagbabasa ng libro na halatang hindi naman talaga siya interesado.
"That looks interesting." sabi ko sa kaniya at tumawa ng mapang-asar,
Ipinilig nya ang ulo nya bago sumagot, "Syempre naman. Hindi ako nagbabasa ng mga pipitsuging libro kagaya ng binabasa mo." sabi nya sa akin at nilingon ulit ang libro na kunwari'y binabasa nya,
Napangiti ako nang bahagya. Alam kong nagpapanggap lang siya. Masyado siyang obvious, lalo na’t halata sa itsura niya na hindi siya komportable sa librong hawak niya. Tiningnan ko ang librong nakapatong sa mesa niya at napansin kong… nakabaliktad pala ang libro. Seriously? She didn’t even notice?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaya kinuha ko ang libro mula sa kanya at binaliktad nang maayos. “I bet you’ve learned a lot,” sabi ko, hindi ko na itinago ang pagngisi ko.
Nakita ko ang bahagyang pamumula sa pisngi niya. Agad siyang napatingin sa ibang direksyon, pilit na itinatago ang hiya sa sarili. “Alam mo, Ethan, kahit nakabaliktad ‘yan, marami pa rin akong natututunan,” sabi niya, pilit na bumabawi. Alam kong nagpapalusot lang siya, pero nakakatawa ring panoorin kung paano niya sinusubukang panindigan ang kaartehan niya.
Binalik ko ang libro sa mesa niya at bumalik sa kinauupuan ko, hindi na nagpapakita ng interes na makipag-usap pa. Pero si Brittany, hindi pa rin natigil. Napaka manhid lang.
Pero hindi talaga siya natigil. Akala ko, kapag nahuli ko siyang nagpapanggap, titigil na siya at aatras. Pero nagulat ako nang makita ko siyang tumayo mula sa mesa niya, at bigla na lang umupo sa harap ko.
Napailing na lang ako, hindi na siya pinansin, at nagbaba na lang ako ng tingin sa libro na binabasa ko. Hindi na nga siya nahiya sa kapalpakan kanina, tumabi pa sa akin. Tsk. Pinilit kong mag-focus, kahit alam kong nakatitig siya sa akin, naghihintay ng kahit anong reaksyon. Pero wala talaga akong balak makipag-usap pa. I went here to read... to have alone time.
Tahimik siya ng ilang segundo, pero para akong kinakalabit ng mga pagsulyap nya. Nasa peripheral vision ko siya, at nakita kong nakangiti siya, para bang hindi siya bothered na halos pinalabas ko siyang katawa-tawa kanina. She just doesn’t get it, does she?
Sa wakas, hindi ko na rin napigilan. "Brittany," sabi ko, diretso ang tingin sa libro ko. "May kailangan ka ba? O trip mo lang manggulo?"
Natawa siya ng mahina, hindi man lang nasaktan sa tanong ko. "Ang seryoso mo talaga, Ethan. Alam mo, you should learn to relax once in a while," sabi niya, sinasabayan pa ng kindat na parang may iniisip na kalokohan.
Relax? Galing sa kanya? Napabuntong-hininga ako, pilit na pinipigilan ang sarili ko. Kung hindi siya aalis, mukhang kailangan ko na lang talaga siyang tiisin. Sa loob-loob ko, iniisip ko kung may paraan ba para maintindihan niya na hindi ako interesado sa pakikipag-usap, lalo na sa ganitong… usapang walang direksyon.
Tumawa siya nang mahina, tumatango-tango pa. "Grabe, Ethan, para kang matandang hindi marunong mag-enjoy. Minsan, kailangan mo ring huminga, you know? Parang laging seryoso ng aura mo."
Napairap ako nang bahagya, pero tinago ko ang reaction ko sa libro ko. "I'm fine, Brittany. Hindi ako naghahanap ng entertainment," sagot ko nang walang emosyon, hoping na mauunawaan niya ang ibig kong sabihin.
Pero halatang hindi siya natitinag. "Ay sus, ang dami mong sinasabi!" sabi niya, natawa pa ng konti. "Kung gusto mo ng katahimikan, bakit hindi mo subukang mag-adjust sa mga tao minsan? ‘Di ba, hindi naman pwedeng puro ikaw lang lagi ang nasusunod. Minsan, you need to have fun!"
Fun? Seryoso ba siya? Kung alam nya lang kung gaano ako nagtitimpi sa kanya ngayon. She's just annoying.
Pero sa halip na patulan siya, tumayo na lang ako at iniwan siya sa mesa. Kinuha ko ang libro ko, tumingin sa kanya nang saglit, at nagbuntong-hininga.
"Brittany, enjoy your… reading," sabi ko, pilit na pinipigil ang irita sa boses ko. Umupo ako sa kabilang mesa, mas malayo sa kanya, hoping na sa wakas ay maramdaman niya na hindi ako interesado na kausapin sya.
Nakita ko siyang sumulyap sa akin, may bahagyang pag-pout sa labi niya, pero hindi ko na siya pinansin. And with that, I had my peace again.
Naisipan ko ng lumabas ng library ng makita ko ang oras. Brittany wasn't there anymore, and I didn't even notice that. Pero kung wala syang ID, paano sya nakalabas? Well, that's not my problem.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng library, hindi pa ako nakakalayo ng dalawang hakbang nang biglang—bam!—may bumangga sa akin nang malakas.
"Ay, sorry, sorry!" Brittany's voice rang out immediately, sounding half-apologetic, half-panicked. Napatingin agad ako sa coat ko na ngayon ay may mantsa na ng... perhaps a chocolate drink? I looked down to see her after, holding a drink cup, now tipped sideways, spilling a cold, sticky liquid right down the front of my shirt.
Naramdaman ko ang lamig na tumama sa balat ko, tumagos agad sa polo ko. It took everything in me to keep my composure. Of course, it had to be her.
"Ethan! Oh my gosh, hindi ko sinasadya!" sabi nya habang nagpapanic. Agad syang may kinuha sa bulsa nya at sa paglabas ng kamay nya mula rito, may hawak na syang panyo.
Agad nya iyong ipinamunas sa dibdib ko, as if that would somehow magically absorb the spill. Sa bawat pagdampi ng kamay nya sa katawan ko ay nakakainis, pero parang baliwala lang sa kaniya, para bang hindi nya nababasa ang ekspresyon na pinapakita ko.
"Brittany," sabi ko, pilit pinipigilan ang inis sa boses ko. "Yung drink mo."
Napatingin siya sa cup na hawak niya na ngayon ay ubos na, ang huling patak ng inumin ay tumulo pa sa sapatos ko. Nanlaki ang mga mata niya, at mabilis niyang itinuwid yung cup, namumula sa kahihiyan. "Oh no… this is… this is a disaster!” utal-utal niyang sabi habang nakatingin sa shirt kong basang-basa at nanlalagkit.
“Yeah. A disaster. Exactly,” sagot ko. Ang lagkit na ng pakiramdam ko kaya hinubad ko na lang ang coat na suot ko at hinagis sa kanya bago ako lumakad palayo.
Napapailing na lang ako habang papalayo, "I'll get this clean, I promised!" sigaw pa nya. This is embarrassing.
Dumiretso na ako sa parking area ng university kung saan naka park ang sasakyan ko. Nang makapasok ako sa loob, agad kong hinubad ang polo at necktie na suot ko bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan ko.
Habang nagpapahinga ako sa sopa at nanunuod ng palabas, biglang tumunog ang phone ko kaya sinilip ko kung bakit. Nagulat ako ng makita ko na may isang message request at multiple friend request.
I don't usually get curious with those pero this time, I did. Sunod-sunod ba naman kasi ang chat kaya ayun, napindot ko. It was Brittany and she was just sending me pictures of the coat she destroyed. Nakasampay ito at basang-basa pa. "Bigay ko na lang kapag natuyo na." chat nya pa pero hindi ko na pinansin pa at binaba ko na lang ang phone ko at pinagpatuloy ang panunuod.
Kinabukasan, habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom, bigla na lang sumulpot si Brittany sa harapan ko, may dala-dalang paper bag na inaabot sa akin. May ngiti siyang parang proud na proud sa sarili.
"Here," sabi niya, nakangiti pa rin. "Tuyo na 'to! Tinapat ko pa sa electric fan magdamag para mabilis matuyo." Para bang ang laki ng nagawa niyang pabor sa akin.
Tumingin ako diretso sa mga mata niya, deadpan, "I don’t want it," sabi ko, sabay hawi sa kamay niya na may hawak ng bag.
Napakurap siya, halatang nagulat sa reaksyon ko, pero hindi na ako nag-abala pang tumigil o magpaliwanag. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, diretso sa hallway, walang ibang gusto kung hindi ang ma-gets ng babaeng iyun na wala akong pake sa kahit ano pang ibang excuse para lumapit siya sa akin.
Narinig ko pa siyang sumunod ng ilang hakbang, as if she's debating if she should push it. “Ethan! Seriously, it’s just a coat!” dinig kong tawag niya, parang iniisip na sa ganitong paraan ma-convince niya ako. Pero hindi ko na siya nilingon, nagpatuloy lang ako na parang wala akong narinig hanggang sa makapasok ako na ako sa classroom.
Just a coat? Para sa kanya siguro, pero para sa akin, that coat was a reminder of how she somehow keeps finding ways to disrupt my day.