Fatty'S POV Gusto kong tanungin si Nik tungkol sa nakalagay sa box at envelope. Gusto kong malaman lahat. Gusto kong magsabi siya sa akin ng totoo. Siopao? Okay ka lang? Baka ayan yung trabaho niya? ani Darren at pinaglaruan ang buhok ko. Ngumiti lang ako at muling ibinalik sa ayos ang box at envelope. Tumayo ako at pumunta sa ref para tignan kung may gatas pa ba ako pero wala na. Darren? Mmm? Samahan mo akong bumili ng gatas ko. nakangiti kong sabi. Kumuha siya ng isang coat at dalawang scarf. Sinuot niya sa akin yung coat at ipinaikot naman sa leeg ko ang scarf. Tara. ngumiti din siya at inakbayan ako palabas ng unit hanggang sa makalabas kami ng condo. Sa malapit na mall lang kami bumili kasi may supermarket doon at mura ang bilihin. Nang makarating na kami sa loob

