CHAPTER 4

713 Words
Fatty's POV Bumalik na kami sa bahay matapos naming mamili, at si kuya Vhinz at Nik ay hindi pa rin maka-move on kanina sa napkin station. “Napkin? Sa restaurant ginagamit iyon eh!” pag pupumilit ni kuya Vhinz. “Oo nga. Kung hindi pwede ang diaper at band aid... vulcaseal na lang? Itapal natin sa ano ni Fatty para hindi na dumugo.” naka kunot-noo at seryosong sabi ni kuya Nik habang inaayos ang pinamili namin. Gusto ko ng malusaw sa kinatatayuan ko at 'wag ng mabuo ulit. Bakit ba kasi nila pinag-uusapan ang ano ko? “Tsh. Kung sa nguso niyo kaya ilagay yang mga sina-suggest niyo? Table napkin ang sa restaurant Vhinz. Sa tubo at bubong naman ang vulcaseal Nik.” paliwanag ni kuya Darren sa dalawa pero iling lang ang sinagot nila. “Fatty, masakit ba? Gusto mo, ako na lang ang mag lagay ng diaper sayo?” nakangiting ani kuya Vhinz. “KUYA!” inis kong sabi at binato sa kaniya ang de lata. “Ang bobo mo Vhinz! Para nga lang sa baby ang diaper! Ako na lang. Fatty, ako na lang ang mag lalagay ng band aid sa ano mo.” seryosong sabi ni kuya Nik. Jusmiyo marimar! Bakit ganito ang mga kapatid ko? Bakittt??????? “Kayo ngang dalawa, lumayas kayo dito sa kusina. Baka tagain ko yang mga ulo niyo sa baba. Alis!” sabi ko at binato muli sila ng de lata. Tinitignan ako ng masama ni kuya Nik at ni kuya Vhinz. “Ang band aid para sa sugat lang Nik. Commonsense.” ani kuya Darren. “Alam ko. 'Di ba ang sugat dumudugo? Tas kapag nilagyan ng band aid, titigil na diba? Kaya band aid ang kailanga ni Fatty.” taas-noong sabi ni kuya Nik. Napasapo na lang ako sa noo ko at inasikaso na lang muli ang mga pagkain. *** “Ano bang gagawin namin sa Palawan?” inis na tanong ni kuya Darren. “May gagawin pa ako sa bahay ko.” “Kailangan ngang mabantayan ang pinapa-renovate kong rest house para sa kasal namin ng Tito Daddy niyo.” sagot ni Tita Nancy. Ala-una na ng madaling-araw at heto kami ngayon sa tapat ng sasakyan para sa pag-alis namin papuntang palawan. “Mom, next month pa naman ang kasal niyo eh.” naka labing sabi ni kuya Vhinz at mukhang inaantok pa. Habang si kuya Nik naman ay may unan sa leeg at nakasalpak ang headset. “Kahit na!” sabi ni Tita Nancy at tinulak na kami papasok sa van kasama ang mga pagkain. Katabi ko sa gilid ko si kuya Nik at ang bintana. Hindi ako maka tulog ng maayos dahil sa likot ni kuya Nik. “Ano ba?!” inis kong sabi at tinulak siya palayo. “Aba! H'wag ka ngang maarte! Doon ka kaya sa gulong?!” singhal niya at muling umusog sa tabi ko. “Bakit hindi ikaw ang doon? Eh bagay ka ron!” aniko at tinulak ulit siya. “Itutulak kita palabas!” banta niya at umusog ulit. “Sinasakop mo lahat! Ano ba?! Hindi nga ako makatulog ng maayos eh!” sigaw ko at sinipa ang mukha niya. Ha! Kala niya ha! “ANAK NG! MASAKIT 'YUN AH?!” sigaw din niya at inuntog ako sa bintana. “Yah! Kuya Vhinz oh! Palit na lang kayo netong kupal na 'to!” kalabit ko kay kuya Vhinz sa harap habang may nakasalpak na headset sa kaniya. “Kayong dalawa, pag di kayo tumigil parehas ko kayong ihahagis sa labas.” banta ni kuya Darren habang nakatingin sa daan. Sumandal na lang ako ulit at tumingin sa bintana. Pero itong si kuya Nik ay mukhang may bulate sa pwet at hindi mapakali. “ANO BA?!” sigaw ko at tinulak ulit siya. “Epal mo a!” inis niyang sabi at umusog sa tabi ko. Bayan! Ang lawak ng space sa gilid niya eh! “Usog! Masikip!” sigaw ko at tinulak ulit sya. “Natural, virgin ka pa. Mag taka kung virgin ka pa pero maluwang na 'yan.” naka ngising sabi ni kuya Nik at umusog ulit. WHAT THE HELL?!! Sinapak ko ng malakas ang mukha niya kaya naman ay napasigaw din siya ng malakas. “AAHH! f**k!! FATTY!!!” Muntik na kaming sumubsob sa upuan sa harap ng biglang hininto ni kuya Darren ang sasakyan. “LUMABAS KAYONG DALAWA!” sigaw niya kaya naman ay dali-dali kaming lumabas at humarurot naman na ang van palayo. Tumingin ako sa paligid ko at puro puno lang ang nandito. Great! Mukhang mag lalakad kami papuntang airport! Letseng Nik 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD