Hindi nagpadaig sa tukso si Ruther. Lalo na sa lasing na halik mula kay Angel. “Pagkatapos mo akong nakawan ng halik ay matutulog ka?” Inis niyang sabi habang dahang-dahan niyang inayos si Angel sa pagtulog nito. Umupo naman si Ruther sa higaan nito ilang talampakan ang layo mula kay Angel. “Mom naman!” Pagsasalita ni Angel habang tulog. Napakamot ulo na lang si Ruther at humiga habang pinagmamasdan si Angel. “You are blessed to have a life that wil be a blessing to others.” Pagsasambit ng binata at agad nitong ipinikit ang kaniyang mga mata. Nanaig ang katapatan ni Ruther kay Angel na kung saan ay pag-aalala sa ikakabuti nito ang nasa isip niya. Kinaumagahan… Agad na umalis si Ruther sa naturang silid. Inayos ang kumot ni Angel at hinalikan ito sa noo. Pero bago pa siya tuluyang mak

