Samantha's POV
Dalawang linggo na ang nakakalipas, pero hindi parin namin nakikita si Kuya Harry. Kahit sa trabaho niya ay di namin siya makita. Siguro ay kakunchaba niya ang mga ito kaya sa tuwing magtatanong kami sa kanila ay sinasabi nilang matagal ng wala si kuya sa trabaho.
"Ano kuya Romeo? May balita naba?" Tanong ko ng makapasok na siya sa bahay. Kakauwi lang niya.
"Wala parin Samantha. Nag aalala na ako sa kanya." Malungkot si Kuya Romeo. Pagod na pagod na kasi siya sa paghahanap. Nakakapag absent na nga siya sa trabaho niya kakahanap kay kuya.
"Saan na kaya siya? Okay lang kaya siya?" Sambit ko.
"Sige na, kumain ka na muna kuya Romeo. Nag luto na ako ng hapunan." Simula ng mangyari ang gabing makasalanan nayun ay naging maayos na kami ni kuya Romeo. Wala ng kabalastugan saamin at iniiwasan ko ng kumain ng itlog.
Matapos namin maghapunan ay natulog nadin kami. Habang mahimbing ako sa pagkakatulog ay nagising ako. Sinisikmura ata ako. Napatayo ako at agad na tumakbo sa banyo. Nasuka ako. Ano bang nangyayari saakin. Ano bang nakain ko?
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Nagpasya akong magliban sa huling subject, para maghanap kay kuya Harry.
Habang nagtatanong tanong sa mga tao ay bigla akong nahilo. Gutom siguro, dahil hindi pa ako kumakain ng miryenda.
Umuwi akong bigo. Hindi ko nakita si kuya. Pag uwi ay agad akong natulog. Napagod ako sa kakahanap kay kuya Harry.
Pag gising ko ay bigla akong natakam sa Siopao. Gusto ko ng siopao.
Lalabas sana ako para bumuli ng Siopao ng makasalubong ko si kuya Romeo. "Oh saan ka pupunta Samantha?" Tanong niya.
"Kuya, gusto ko ng Siopao." Sagot ko sa kanya. Napakunot nalang siya ng noo.
"Wag na. Kakain na tayo. Ito ngat may dala akong manok. Kumain na tayo." Hinila niya ako papasok sa loob. Kasura! Gusto ko ng siopao eh. Nagtatakam ako dun.
Matapos naming kumain ay parang hindi parin ako busog. Siopao talaga hinahanap ng panlasa ko. Gusto ko ng siopao!
"Kuya Romeo, hindi ka ba lalabas?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit?" Maikli niyang sagot.
"Bili mo naman ako ng Siopao. Gusto ko ng Siopao!" Nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
"Kakain lang natin, pagkain na naman ang nasa isip mo. Oh sige, ibibili kita mamaya. Mag uugas lang ako ng mga pinggan." Sambit niya.
"Wag na, ako na. Umalis kana, ako na mag uugas diyan. Bili mo na ako ngayon." Pang uuto ko sa kanya.
"Ang weird mo! Bakit ba gustong gusto mo ng Siopao?" Takang tanong ni Kuya.
"Ewan ko! Basta gusto ko lang." Sagot ko at inumpisahan ng mag ugas ng pinggan.
"Sige na, ibibili na kita." Sagot ni kuya Romeo at lumabas na ng bahay.
Romeo's POV
Weird! Ang weird niya talaga. Bakit kakakain lang niya ay gutom agad siya. At siopao? Di naman masarap yun ah! Teka! Hindi kaya? Sana mali ako sa naiisip ko.
Bigla akong napadaan sa isang Computer shop. Tama! Mag se-search ako. Nag rent ako ng isang Computer. Nag search ako tungkol sa sintomas ng buntis. Nabasa kong pala tulog, nag susuka at palaging nahihilo.
Mukhang hindi naman nagkakaganun si Samantha. Masyado lang siguro ako sa pag iisip. Hindi kasi pwede. Hindi siya pwedeng mabuntis. Akin lang siya. Akin lang si Samantha. Mahal na mahal ko yun. Simula pa noon ng malaman kong hindi ko siya kapatid ay may namuo na sa dadamin ko para sa kanya. Dismayang dismaya lang talaga ako ng si kuya Harry ang makaauna sa kanya.
Hindi na ako nagtagal pa sa computer shop at umalis nadin ako. Tumuloy na ako sa bilihan ng siopao. Binili ko ng tatlo si Samantha, para I love you haha! Lalo tuloy akong naiinlove kay Samantha.
Pag uwi ko ay agad na nakaabang sa pintuan si Samantha. Sabik na sabik siya sa pag uwi ko.
"Ayan na! Sa wakas, makakakain na ako ng Siopao. Akin na yan at naglalaway na ako." Sambit niya at agad nadin niyang inagaw saakin ang supot ng Siopao.
"Grabe ka Samantha! Patay gutom lang sa siopao?" Nakakatawa siya.
Harry's POV
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Nagulat ako ng lapitan ako ni Tita Thalia. Mama ni Leslie. Oo matagal ko na siyang close mabait siya, pati narin ang asawa niyang si Tito Sammy. Akala nga nila nung un ako ang bagong boyfriend ni Leslie. Pinatuloy nila ako sa kanila ng taas puso. Dalawang linggo palang ako dito, pero close ko agad sila. Ewan ko nga bat kung minsan, nahahawigan ko si Samantha kay Tita Thalia.
"Wala lang po. Iniisip ko lang kung ano na ang nangyayari sa dalawa kong kapatid? Hinahanap kaya nila ako?" Sambit ko.
"Alam kong hinahanap ka nila. Syempre kapatid ka nila. Pero anak, Harry. Pwede namang kalimutan nyo nalang ang nangyari. Magsimula kayo ulit sa una." Sambit niya. Oo alam nadin niya kasi naikwento na ni Leslie.
"Ewan ko po tita Thalia. Naguguluhan parin po ako. Nahihiya ako sa nangyari. Hindi ko pa po sila talaga kayang harapin." Sambit ko sabay tingin sa labas. Nasa terrace kasi kami ni tita thalia. Nagulat Ako sa isang babae na nakatalikod sa may gate ng mansion. Siyang siya yun.
Tumayo ako."Samantha?!" Sambit ko. Pumasok siya patungo sa loob ng mansion. Agad akong bumaba para salubungin siya. Paano niya ako nahanap?
Nang makababa ako ay tinawag ko ulit siya. "Samantha?!"
"Sinong tinatawag mo?" Nagulat ako. Si Leslie pala yung nakita ko kanina. Nagpaitim na siya ng buhok. Hindi ng blonde. Kamukang kamuka niya si Samantha.
"K-kamuka mo si Samantha, Leslie." Sambit ko. Nung una palang nahahawigan na talaga ako ng medyo kahawig niya si Samantha. Kaya lang makapal ang make up niya lagi kaya medyo umoover. Pero ngayon na light at konti lang ang kolorete sa mukha niya ay hawig na hawig na niya talaga si samantha. Magkasing haba din sila ng buhok.
"Kamukang kamuka mo nga si Samantha, anak." Nasa baba narin pala si tita Thalia.
"Bakit nakita nyo naba ang kapatid ko?" Nalilito kong tanong kay tita thalia.
"Hindi. Ang kapatid niya ang tinutukoy ko. Ang babae niyang kapatid na matagal ng nawawala."Sagot niya. May kapatid pa pala si Leslie.
"Oo nga. Kamusta na kaya ngayon si Samantha?" Sambit ni leslie.
"Tignan mo nga naman. Magkamukha pa ng pangalan ang dalawa nating kapatid." Sambit pa ulit ni leslie.
Romeo's POV
"Salamat kuya Romeo. Nabusog na ako." Sambit ni Samantha at hinimas himas pa niya ang tiyan niya.
Mayamaya ay tatayo na sana siya ng biglang mapahawak siya sa ulo niya.
"Nahilo ako bigla!" Sambit nito at bigla siyang tumakbo sa banyo.
Sinundan ko siya at baka kung ano ng mangyari. Nadinig kong nagsusuka siya doon.
Paglabas ay ang putla niyang tignan. Tumitig pa siya saakin at bigla ng nabuwal. Buti nalang ay nasalo ko siya.
"Samantha?! Gumising ka! Anong nangyari sayo?" Sigaw ko.
Napag pasiyahan kong dalin nalang siya sa ospital. Sinakay siya sa Stretcher at ipinasok sa isang kwarto. Habang nasa labas ako ay hindi ako mapakali. Ano kayang nangyari sa kanya? Hindi kaya nalason siya sa kinaing siopao? Wag naman sana at mapapatay ko yung tinderong lalaking yun.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Doc. "Ikaw ba ang mister ng pasyenteng si Samantha? Wala kang dapat na ikabahala at Congrats! Pregnant ang misis mo!" Sambit nito at agad din akong nilayasan.
Hindi pwede! Hindi pwede to! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
Harry's POV
"Bakit naman napagkamalan mo akong, kapatid mo?" Tanong ni Leslie habang kumakain na kami ng hapunan.
"Sakto lang pala ang dating ko." Nagulat kami sa pagdating ni tito Sammy.
"Oh kumain ka narin Honey!" Sambit ni tita thalia.
"Good evening po tito Sammy." Bati ko sa kanya. Tinanguan lang niya ako.
"Ano na, Harry? Sagutin mo na yung tanong ko." Bulaslas ulit ni Leslie.
"Kamukang kamuka mo kasi siya. Para kayong pinagbiyak na bunga. May ganun pala! May mag kamuka pala talaga sa totoong buhay na kahit hindi naman kayo magkaano-ano eh, magkamukang magkamuka." Sambit ko.
Bigla namang nagkatinginan sina tita Thalia at tito Sammy.
"Sandali nga! May ipapakita ako sayo, Harry." Sambit ni tita thalia at umakyat saglit sa itaas. Pagbaba nito ay may hawak siyang mga litrato.
"Tignan mo ang mga ito, Harry." Sambit ni tita at nagmamadali pang iabot saakin.
Nang tignan ko ang mga litrato ay halos magulat ako.
"A-ang kapatid ko to ah! Si samantha!" Sambit ko habang nakatingin sa mga picture ni samantha nung bata palang siya. Siguro ay mga isang taon na siya nito.
Naiyak bigla si Tita thalia.
Samantha's POV
Nagising ako na nasa puting kwarto na ako. Nakita ko agad sa tabi ko si kuya Romeo na natutulog.
Ano kayang nangyari? Tumingin ako sa oras at mag aala-una na ng madaling araw. Tinapik ko si kuya Romeo at agad naman siyang nagising.
"Gising ka na pala. Ano, okay ka naba? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya agad.
"Okay na ako. Ano bang nangyari? May sakit ba ako? Bakit nandito ako sa Hospital?"
Hindi muna umiimik si kuya at tumitig muna saakin.
"Ano kuya? Bakit ako nandito? Anong nangyari? May malubha naba akong sakit?" Pangungulit ko sa kanya.
"Buntis ka!" Sambit niya bigla na kinagulat ko.
Ano? Buntis ako? Patay na! Paano na yan? Mababaliw na ako.