Chronicles ng Babaeng Torpe Chapter 26 "May sakit ka ba?" tanong sa'kin ni Mage. "Love-nat," sabi ko sabay tumungo. "Ano?! Lagnat? Bakit? Ano na naman nangyayari sa'yo? Lagi ka nang may sakit ngayon ha." "Pagod lang ako," sabi ko sa kaniya. Ngayong matatapos na ang taon patong-patong na ang mga exam ko. I stay up all night trying to review. May mga slight saltik kasi 'tong mga prof ko na ang aga magpa-exam. "Akala ko ano na naman nangyayari sa'yo," sabi niya at umupo na. Kakaiba talaga ang feeling. Ganito pala ang pakiramdam na hindi mo nakikita ang crush mo. Pagod ka na nga wala ka la ng inspirasyon at motivation para kumilos. Sobrang nakaka-drain. Parang kapag may pinatong pang trabaho sa'kin magc-collapse na ko. Wala naman talaga akong problem sa ibang bagay. Sadyang si Ivo lang

