Chronicles ng Babaeng Torpe Imagination #12 Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag isali sa kabuuan ng tunay na nangyayari. Same day Chapter 22. Basketball game. Okay, alam naman natin 'yung magical moment na nangyari sa huling chapter. Sabihin na lang natin na natuloy-tuloy 'yung biyaya ni Lord sa'kin at nakuha ko ang gusto ko. Nang ma-out of balance si Ivo, hindi na niya nakuha ang balanse niya... ...dumiretso siya sa'kin. I brace myself for the pain. Bakal ang bleachers kaya kung tatama man ang ulo ko sa susunod na hakbang, at least prepared ako. There's the sound of metal against flesh. I can feel Ivo's body above mine, wet with sweat and warm blood rushing through his muscles. Hinihintay ko 'yung sakit... ...pero hindi dumating. Hanggang sa mawala na ang echo ng kung ano

