Chronicles ng Babaeng Torpe Chapter 30 Of course, dahil nakita ko na naman si Ivo... like after... one month! One month ko na siyang hindi nakita!!! Akalain mong naka-survive ako? Muntikan na nga akong sumuko sa love story naming dalawa. Buti na lang pala hindi. "Sino 'yang ka-text mo?" tanong sa'kin ni Tecy habang naghihintay kami ng prof ngayong P.E. class. Second to last meeting na namin. Tapos ang dami pang wala. Taga-Biology din 'tong si Tecy at scholar ng school. "Ah si Blanca," sabi ko. "Nagtatanong kung nandito na daw ba ko." "Parang blooming ka ngayon," sabi niya. "Hala, nag-ipit lang naman ako. Ang init kasi." Totoo naman kaya nga nandito kami sa ilalim ng isang ceiling fan. "Weh, pero namumula ka. Sino ba kasi talaga 'yang ka-text mo?" "Si Blanca nga!" pagtawa ko. "Pero

