Chronicles ng Babaeng Torpe
Text Log #7
The Fourth Encounter
7:58pm
Chyanne: Nakita ko si Ivo kanina...
Ela: Oh ano? Saan?
Chyanne: Kanina kasama ko yung friend ko. s**t. Ang taray daw ni Ivo sabi niya.
Ela: Hahahahaha kahit ang pangit naman niya talaga?
Chyanne: Kung alam mo lang
Ela: Hahahaha kausapin mo na kasi
Chyanne: Paano?
Ela: Mag hi ganon
Chyanne: PAANO NGA EH
Ela: Malamang bubuksa mo bibig mo tapos paganahin mo yang vocal chords mo. Mag hi ka!
Chyanne: Hindi ko kaya baka biglaan akong maiihi sa harap niya kahihiyan
Ela: Kumalma ka lang kasi
Ela: OA ka talaga
Chyanne: Ikaw kaya
Ela: Hoy nakailang confess na ko duh lakas lakas din ng loob
Chyanne: Hindi ko kaya
Ela: Ikaw nga tong sabi nang sabi samin dati na para matapos na at hindi mo na maisip kaya dapat gawin na ikaw naman tong ano ngayon
Chyanne: Hindi ko kasalanan na pagdating sakin wala na kong lakas ng loob no naubos na binigay ko na lahat sa inyo
Ela: Duh dude kakausapin mo lang naman. Tao lang din yan si Ivo
Chyanne: Alam ko pero...
Ela: Pero ano
Chyanne: WALA nevermind