Chronicles ng Babaeng Torpe
Imagination #6
Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng tunay na pangyayari.
The day I find out he's a basketball player (pero edit natin ng konti kunwari kami na--char. Oh sige na nga. May thing na lang kami.)
Fast forward sa fourth quarter kung kailan pinaupo na siya kasi wala ng pag-asa ang Chem na manalo sa Bio.
Kunwari hirap na hirap akong mag-celebrate dahil program ko ang nananalo sa labang ito pero sa puso ko diwang na diwang ako.
"Hey," pagsipa ko sa kaniya mula sa taas na bleacher. "Okay lang 'yan."
Umatras siya hanggang sa maabot ng likod niya ang inuupuan kong palapag. "Talo."
"Okay lang 'yan eh!"
"Hindi na kami champions."
Naglabas ako ng panyo at pinahid sa noo niya. Magkaroon lang ng excuse para hawakan siya. Bumulong ako, "Champion ka naman sa puso ko."
Napatungon siya habang mahinang tumatawa. "Ang corny ha."
"Natuwa ka naman."
"Amoy pawis ako."
"Bango mo pa din."
"Wag ka nga," pagsiko niya sa binti ko.
"Oo na, amoy pawis ka na," sabi ko sa kaniya at tumunog na ang buzzer na tapos na ang game. "Maligo ka muna bago ka magpakita ulit sa'kin ah."
"Hmm, text kita."
Ininat ko muna ang mga binti ko bago ako tumayo. "Sige."
Inabot niya ang kamay ko at pumisil. "I'll see you later?"
"Yeah."
Tapos ginawa niya ang hindi ko inaasahan.
Humalik siya sa kamay ko.
My heart, tumitibok ka pa ba?
"Sweet," komento ko. "But where's your valiant steed?"
At ayun na naman ang ngiti niyang minsan ko lang nasilayan sa tunay na buhay. "Naliligo na."
Ngumiti ako pabalik at pumisil din sa mga daliri niya. "I'll see you later."
Para akong nasa alapaap. Kung makakausap ko lang talaga si Ivo... hay ewan ko ba. Kung magiging akin lang talaga siya... hindi imposibleng ma-in love ako.