"Look at this, Francia!" Inihagis ni Lindsay ang magazine sa mesa ng manager niya. Dalawang upcoming contracts niya ang nag-back-out mula nang magpa-interview ang soon-to-be-married na Duncan at Layla. Lumalabas na siya ang third-party sa muntikan nang hindi pagbabalikan ng dalawa. Ngayon ay nakuha ng Layla na 'yun ang atensyon at kuryusidad ng mga tao kung sino ang babaeng nakabihag ng puso ng isang dating sikat na soccer player na ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante at Financial Consultant. Nang makilala niya si Duncan sa birthday party ni Anya ay kaagad naman siyang na-attract sa binata at swerte din siyang nakuha niya ang atensyon nito. But she wasn't serious to enter into an another romance dahil bawal 'yun sa kontrata niya. Iyon ang inawayan sa kanya ni Roldan na boyfriend

