"Your father was inviting me to visit your Uncle Zane in his office," wika ng Mommy ni Duncan nang magtungo ito sa silid niya. "Kaya mo naman dahil nandito si Layla hindi ba?" "What time will you be back?" "Knowing your father, baka gabihin kami dahil magkakasarapan pa ng kwentuhan ang dalawang 'yun. Why?" "Darating ang PT ngayon, 'Mom..." "So? Layla is here to assist you. Siya rin naman ang haharap sa PT mo dahil kailangan niyang matutunan ang therapy mo everyday." Humalik ang Mommy niya sa kanya bago nagbilin kay Layla ng ilang bagay at iniwan sila. "Babalik ako mamaya pag kailangan mo ng uminom ng gamot," wika naman ni Layla na balak ding sumunod sa Mommy sa paglabas ng pinto. "Whooops... I'm sorry, sweetheart... Pero dahil wala ang Mommy ay ikaw ang magbabantay sa 'kin

