SAVANNAH
13 years old pa lang ako at kasalukuyan nanonood ng laro ni Kuya Tristan ng may biglang tumigil sa harapan kong matangkad na lalaki at nababanaag ko sa mukha nito na galit na galit na parang dragon na anytime ay biglang magbubuga ng apoy. Palabas ako ng entrance ng gym para bumili ng miniral ni Kuya na maiinom. Sa tingin ko may hinahanap sya na ikinagalit nya. Bigla syang napatingin sakin dahil nga sa maliit pa ako noon ay muntik na nya akong mabangga kung di lang ito nakapaitan ng dalawa nitong kasama. Bro Kiel may bata baka masagi mo sa harapan mo awat ng isang kaibigan nito.Oo nga Ezikiel cute pa naman nya oh.. haha sabi pa ng isang kasama nito na mukhang masayahin. Napatingala ako sa taong nasa harap ko at walang pakialam kung may mababangga ba sya oh wala. Laking gulat ko ng tumungin sya sa kinaroroonan ko at nagkatitigan kami sa mata at takot ang nararamdaman ko dahil sa mga mata nitong nanlilisik at handang manakit anoman oras. At sa Ilan sandali ay biglang naging normal ang mukha nito na napaamo at ngumiti sa akin .Nang mga sandaling yung ay biglang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa ganda ng simpleng ngiti nya sa akin..
Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat at itinabi ako ng dahan dahan sa gilid ng entrance door, "I'm sorry sweetie". saad nito na may magandang boses nababagay sa matikas na pangagatawan at maamong mukhang nito. Parang ang sarap pakinggan sa akin pandinig. Maya maya ay nag angat ito ng tingin at mukhang at animoy parang dragon na naman ang itsura na animoy bubuga na ng apoy. Hinabol ko sya ng tingin at nagulat na lang ako may bigla itong sinapak sa mukha na ikinatumba ng lalaking sinapak. Nagulat ang lahat at ako man ay nabigla din. Napansin kong may susugod dito at aatakihin ng limang player na manalalaro yung tinawag nilang Kiel at biglang to the rescue ang dalawa nitong mga kasama sapol ang dalawa sa mga manlalarong players na ikinabigla pa ng tatlo. "Tumayo ka" rinig ko na sabi ni Kiel sa kanyang nasapak. Sumuntok ito at naka iwas at isang Right hook na naman sa mukha na ikinatumba ng kalaban. Sinabihan ulit ito na tumayo nung Kiel pero sa isang iglap na pag sugod nito ay isang ikot na sipa ang ginawa ni Kiel, sapol sa panga na ikinatumba nito at parang nawalan ng malay. May sumugod pa kay Kuya kiel na dalawang players at agad nitong napansin at agad nitong pinatumba..Bigla akong napatalon sa tuwa kase galing makipag laban ni Kuya Kiel at grupo nito parang mga aksyon star sa galing. Sila na lang kaseng tatlo nakatayo loob ng basket ball court at nagsipagtumbahan ang mga players na kalaban nito.At biglang pumasok sa isip ko si Kuya Tristan baka makisali at agad kong makita si Kuya na inaawat ang ibang players kasama mga team nito na umaawat na rin. Palinga- linga si Kuya na parang bang takot na takot at alam kong hinahanap nya ako at nag aalaga sakin dahil mag Isa lang akong nanood ng laro nya. Siguradong malalagot sya kay Mommy at Daddy pag may masamang mangyari sakin.