Chapter 25 “Tita Esang, Tito Raf… si Mona at Vivien,” nakangiting bungad ni Jasmine pagkahila sa amin ni Mona sa cottage. Naagaw ang atensyon ng lahat pati na rin sa cottage nina Sir Zack. Nakita ko pang nagbaba ng shades si Sir Liam. Tumayo pa si Ma’am Saycie at agad akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Nahiya ako sa ginawa niyang ‘yon. Ang ganda-ganda niya at ang bango-bango. Ang tangkad pa. Nakangiti siya sa’kin kaya mas lalo akong nahihiya. Mukha siyang buhay na manika. Napaka-sexy. Tumayo naman sa tabi niya ang asawa na si Sir Zack na galit sa muscles. Kinolekta na yata lahat dahil ang laki ng katawan niya. Hindi sila nagkakalayo ng katawan ni Sir Liam. Bagay sila ni Ma’am Saycie dahil ang gwapo ni Sir Zack. Kaya hindi rin maikakaila ang itsura ng dalawang anak nila na sina Angelo

