Chapter 80

1158 Words

“Good afternoon,” bungad niya pagkamulat ko pa lang ng mata. Kagigising ko lang at si Raevan agad ang nabungaran ko dito sa kwarto. Nakapambahay lang siya. Hindi ba siya papasok? “Good morning,” bati ko sa kaniya pabalik. Tinawanan naman niya ang sagot ko. “Kanina pa kita ginigising. Hindi ka na tuloy nakakain ng breakfast at lunch,” wika niya. Lunch? Breakfast? Natigilan ako sandali at nag-isip. Lutang pa ang isip ko dahil kagigising ko pa lang. Tulala pa nga ako at gulo-gulo ang buhok. Wala pang hilamos kaya siguradong mukha akong bruha sa paningin ni Raevan. Parang pati utak ko ay natutulog pa. Agad akong napabalikwas nang ma-realize ang sinabi niya. “Anong oras na?” agad kong tanong at mahigpit na inipit ang kumot sa taas ng dibdib ko. Sinulyapan niya ang oras sa cell phone niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD