Chapter 21 Pagmulat ko ng mga mata ay nakita kong nagamot na ang sugat ko sa kamay. Mag-isa lang ako dito sa kwarto pero naaamoy ko ang pabango ni Raevan at ang sarili niyang amoy. Na para bang nagtagal siya dito. Napatingin uli ako sa kamay kong may benda na. Siya kaya ang gumamot nito? Ayoko sanang mag-assume pero hindi ko mapigilang mapangiti. Lalo na at naalala ko muli ang nag-aalalang mukha niya kanina nang makita niyang takot ako sa dugo at nagkasugat. Sana totoong nag-aalala siya sa’kin kanina. Umupo muna ako at sakto namang pumasok si Raevan na may dalang pagkain. Nakita kong nilapag niya ‘yon sa tabi ko. “Eat it,” pautos ‘yon at walang paglalambing. Kahit masungit ang awra niya ay nagagalak ang kalooban ko dahil pakiramdam ko, inaalagaan niya ako ngayon. Kung hindi man totoong

