Chapter 43 “Sir Raevan, ibaba niyo ‘ko!” Natataranta kong sabi dahil bigla niya akong binuhat mula sa pagkakaupo sa damuhan. Tatayo pa lang sana ako dahil uuwi na kami pagkatapos ay bigla na lang niya akong binuhat. Dahil sa labis na gulat at sa takot na baka mahulog ay mahigpit akong kumapit sa batok niya. Ang taas pa naman dahil matangkad siya. Madali niya akong nabuhat dahil maliit lang naman ang katawan ko. Pero kahit papaano ay alam kong mabigat pa rin ako. Sa itsura niya, mukhang balewala ang kahit na anong bigat ko. Sa tigas at laki ng mga muscles niya. . .kayang-kaya niya akong ihagis kung gugustuhin niya. “Masakit ang paa mo, baby. Let me carry you,” malambing niyang saad at naglakad na patungo sa sasakyan niyang naka-park sa gilid. Tinitignan tuloy kami ng mga nagde-date.

