Mukhang masikip sa kaniya ang t-shirt na ibinigay. Hindi siya komportable kaya hinubad niya uli. Akala ko, tututol na naman siya pero bigla niyang kinalas isa-isa ang butones ng polo niya. Ang mga kapwa ko nanay ay napalingon sa gawi namin. Kahit na kasama nila ang kanilang mga asawa ay napako na ang mga mata nila sa asawa ko. “Wow,” bulalas pa ng isa. Sa purple team yata iyon. Hinubad ni Raevan ang suot at inabot sa akin ang polo niya. Tulala ako dahil namamangha ako sa nakikita kahit na maraming beses ko ng nakita ‘yon. Parang hindi ako sanay at parang first time pa rin. Mula sa matipuno niyang dibdib, malapad na balikat… bumaba ang mga mata ko sa walo niyang abs. . .napalunok ako ng sariling laway. At baka gano’n din ang ibang kababaihang napako na ang mga mata sa kaniya. Naaamoy ko p

