*Mona’s POV* “Mona?” Tawag sa’kin ng amo ko. Kakapasok ko pa lang, mukhang may iuutos yata agad. “Yes, ate?” Magalang kong tanong pagkapasok. Nasa kusina yata siya dahil hindi ko siya agad nakita pagkapasok ko dito sa sala. Naaamoy ko ring may niluluto siya kaya tumungo ako doon at nadatnan ko siyang naglalagay ng ulam sa Tupper wear. “Maraming tira kagabi at ako lang mag-isa ngayong tanghali dahil pumasok si Kuya mo,” saad niya nang maramdaman ang presensya ko. Hindi niya ‘ko nililingon habang naglalagay. Nang matapos ay humarap siya sa’kin. “Oh, heto… iuwi mo sa mga kapatid mo,” wika niya at inabot sa akin ang lagayan na naglalaman ng giniling na baboy. Luto na dahil ito ang hapunan nila kagabi. “Ay, muntik ko pang makalimutan,” ani niya at tumungo sa ref. Bagong init kaya maini

