Chapter 69

3997 Words

Magkaharap kami ni Mona rito sa kusina. Kumakain na siya ng pakwan pero mapanuring titig pa rin ang ginagawad sa akin. Para bang ngayon ay wala na ‘kong takas. “Noong araw na umalis ka sa mansion,” panimula ko. Nahinto siya sa pagkain ng pakwan at tinignan ako. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy. “Kami na ni Raevan noon,” dugtong ko. Nagulat siya sa sinabi ko. Inaasahan ko naman ‘yon dahil wala siyang kaalam-alam noon dahil wala naman akong nabanggit sa kaniya. “Nililigawan niya ‘ko habang katulong ako sa bahay nila,” ani ko. Pinagpatuloy naman niya ang pagkain na para bang nakikinig na sa kwento sa radio. “Noong umalis ka. . .nagtapat na kami kina Mommy Vanessa tungkol sa relasyon namin. Kaya. . .hindi na rin ako nagtrabaho noon. Hindi nagtagal ay nagpakasal kami s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD