Chapter 18 Buhat ng marinig ko ang tungkol sa girlfriend ni Raevan ay naging tahimik na ako. Kinukumpara ko ang sarili sa babaeng ‘yon. Hindi ko lang maiwasan dahil mahal ko pa rin si Raevan. Hindi naman nagbago ‘yon. Ni kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang magkaroon ng relasyon sa iba. Nandito lang ako ngayon sa punto na tinatanggap kong wala na kami. Baka si Raevan ay tanggap na niyang wala kami kaya siguro humanap na ng iba. Pero ano pa nga bang aasahan ko? Tatlong taon na kaming hiwalay e. Maraming pwedeng magbago at mangyari sa loob ng tatlong taon. Isa na do’n ay ang ugali niya. O baka, sa akin lang siya gano’n. Sa itsura ay lalo pa siyang naging perpekto. Sa sobrang perpekto niya ay tila ba malabo na ngang maging akin siya uli. Hindi kami bagay. Kahit noon pa man ay hindi

