CHAPTER 71 Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Zayn. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Zayn hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sa

