CHAPTER 63 Nang nakasakay na kami ng bus ni Zayn pauwi ng Tuguegarao ay inakbayan niya ako. Alam kong may sasabihin siya kasi kanina pa siya hindi mapakali. "Sige sabihin mo na sa akin kung ano ang kanina mo pa iniisip." Bulong ko. "Si Cedrick. Nagtetext siya. Kailangan natin siyang makuha mula sa mga dati kong kasamahan. May matayog na pangarap ang batang iyon at hindi ko siya hahayaang mapunta lang sa wala ang kaniyang katalinuhan. Naawa ako sa pinsan ko." "Iyon din ang iniisip ko. Kailangan natin siyang makuha mula sa kanila." Bago kami tumuloy ng Tuguegarao ay dumaan na muna kami ni Zayn sa Gamu para formal na pagre-resume ko sa aking trabaho. Iniwan ko na muna siya sa bus station dahil hindi ko naman siya puwedeng isama hanggang sa loob ng aming headquarter. Kinamayan at binat

