CHAPTER 61 Tumalikod siya at naglakad sa ulan. Lumakas ang pintig ng aking puso. Parang mahihimatay ako sa nasasaksihan ko. Hindi ganoon ang nararamdaman kong tindi ng sakit kanina kay Rave. Iba kay Zayn. Ibang hapdi na halos dinudurog ang puso ko. Pinapatay ng sakit ang aking pagkatao. Natigilan ako nang marinig ko ang pagsara ng gate at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Kasabay ng malakas n buhos ng ulan ang di ko mapigilang pagbuhos ng aking luha. Ang pagsara ng gate ang siyang naging hudyat sa akin para bumalik sa aking katinuan. Basam-basa ang aking mukha sa aking luha. Nanikip ang aking dibdib. Parang sandaling huminto ang t***k ng aking puso. Tumayo ako. Kailangan ko siyang habulin. Pipigilan ko siya. Sigurado akong hindi si Zayn ang dapat mawala sa akin. Hindi ko na ka

