CHAPTER 44 Ilang sandali pa ay dinig ko ang usapan ng dalawang padaan sa tinaguan namin. Tahimik lang kaming nakinig sa usapan nila habang magkayakap muli sa kadiliman. "Kailangan na nating makaalis. Hindi tayo puwedeng gabihin masyado sa daan lalo pa't may checkpoint sa bahaging dadaanan natin. Saan ba kasi nagpunta 'yun. Sinabi ba niya?" "Sabi niya may bibilhin lang sandali. Nakita ko dito siya kanina tumungo sa bahaging ito kumander." Sinilip ko ang magkausap na iyon at namukhaan ko ang lalaking nakita ko noon sa graduation ko. Siya ang alam kong pumatay kay Daddy. Hindi ko makalimutan ang mukhang iyon. Namayani ang galit sa aking dibdib parang gusto ko siyang habulin at paghigantihan. Naramdaman iyon ni Zayn dahil pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at sa pag

