CHAPTER 68 “Katapusan mo na! Papatayin kita hayop ka!” sigaw ko kasabay ng kaagad kong pagkalabit sa gatilyo... Inulit ko pa, inulit ng inulit ng inulit... Ngunit walang putok... Walang bala ang lumabas. Nanlumo ako. Walang bala ang naagaw kong b***l. Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan. "Ano ha? Akala mo mauutakan mo pa kami gaga!" singhal ng kumander nila. Hindi ko kailangan sagutin iyon. Hindi ko kagustuhang magkamali sa aking diskarte. "Sige Jacko. Dalhin mo ang mainit na tubig na iyan at ibuhos mo sa kaniya para malapnos siyang buhay!" “Pero kumander paano naman yung usapan. Mas masarap ‘yang kainin na hindi luto. Pwede bang matikman na muna bago lutuin ng buhay?” paningit ng dumidila-dila pang isang rebelde. “Oo nga kumander. Tirahin na muna kaya namin ‘ya

