Chapter 66 Tanging masaganang luha lang talaga ang bumaybay sa aking pisngi bilang pagpapatunay kung gaano kasakit sa aking makita siyang nasa ganoong kalagayan. Muli'y wala akong magawa para iligtas siya. Sumisigaw ako ngunit alam kong walang boses na lumalabas sa aking bibig. Sinikap kong tanggalin ang aking mga kamay sa pagkakatali ngunit walang nangyari. Kahit pa gusto kong tumayo at lumundag ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali nila sa akin. Hanggang sa buong mukha ko na ang kanilang tinakpan ng itim na tela. Hindi ko na nakita pa ang nangyari kay Zayn. Muling nagkabarilan pagkatapos ay narinig ko na lang ang malakas na pagsara nila ng van. Kahit sa kawalang pag-asa ay gusto kong maniwalang ligtas si Zayn. Hindi ko alam kung paano namin maipapanalo ang huli naming laban ngunit uma

