Labag man sa loob ay hinintay niya si Hellion sa mismong intrada ng hotel. She can't help but pout her lips and furrowed her brows. Mas mabuting hintayin niya ito kesa naman sisigaw ito at tatawagin siyang kuting. "Stop pouting your lips kitten, dahil kapag hindi ako makapag timpi kakagatin ko 'yan," ani nito sa kanya. Isang pilit na ngiti ang agad na namutawi sa kanyang labi, she then grabbed Hellion's arms. "Bilisan na natin pumasok sir, iniwan na tayo nina ate Georgina," ani niya sabay hila niya ito papasok ng hotel. Hinila ni Hellion ang braso nito mula sa kanya kasabay ng pagkunot ng noo. "Sino may sabi na pwede mo 'ko hawakan ha?" Paangil nitong wika. Mabilis siyang bumitaw. Ano ba 'tong ginagawa niya? Feeling close na siya, nakalimutan niyang isang impyernong lion pala itong ka

