Aliyah was sitting on the bench with Manang Teresa. Hawak niya sa kanang kamay ang ice cream cone. Pagkatapos nilang pumunta ng mall upang mamili ng kanyang underwear ay nagdesisyon si Manang na ipasyal siya sa park. Papalubog na ang araw at kulay kahel na ang kapaligiran. Nakatanaw siya sa isang fountain at nakikita niya ang mga batang babae at lalaki na masayang naghahabulan sa berdeng damuhan. Bigla ay naalala niya ang kapatid at ina. Kamusta na kaya ang Mommy niya at ang kapatid? Siguradong umiiyak ang mommy niya kapag naalala siya nito at maging ang nag-iisang kapatid na si Randolph. God. She misses her family a lot. "M-Manang?" Untag niya kay manang Teressa na ngayon ay tahimik din na nakatanaw sa fountain. "Hmm? Ano yun iha?" "Taga saan po kayo?" Tanong niya sabay dala ng

