Kung pwede sanang mawala siya na parang bula o di naman kaya ay lumubog siya sa kanyang kinatatayuan. Hiyang-hiya siya, uminit ang kanyang buong mukha. "Please, tama na po!" Pakiusap niya kay Hellion. "O bakit? Cute naman 'tong underwear ah!" ani nito habang malapad na ngumingiti. "Miss, how much all of this?" Tanong pa nito sa sales lady habang nakaturo sa mga undies na hello kitty design. "Sir para po ba sa anak niyo? Ilang taon po ang anak ninyo? Depende po kasi sa size ang prize, sir." sagot ng sales lady. "Para sa pusa ko!" Sagot ni Hellion habang nakatingin sa kanya. "P-pusa po?" Takang tanong ng sales lady. "Bingi ka ba?" Pasinghal na sagot ni Hellion. Mabilis niyang ibinalik ang hello kitty design undies at lakas loob na hinawakan niya si Hellion sa braso nito at buong laka

