KAILANGAN ni Dalton ng bagay na maaari niyang paglaanan ng oras. His mind was all over Royal, and he did not like it. Isang kahinaan iyon sa kanyang pagkatao. Nagawa na nitong bilugin ang ulo niya noon at hindi siya papayag na umulit ang babae. Malagkit ang tingin na ibinibigay sa kanya ng babaeng sekretarya ng architect na kinuha niya para gumawa ng proyekto. He wants to expedite everything because this project will be huge. It’s a gentlemen’s club. Tatlong ektarya ang gagawin na may iba’t ibang activity. Nakuha niya na ang permit at ilan pang kailangan para umandar ang proyekto. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik na kinausap ang lahat ng taong kasali. Matapos ang meeting, nag-iwan ng kakaibang tingin sa kanya ang seksing sekretarya. He was more amused than horny. He had his full co

