BUMABA sa isang isla ang helicopter na sinasakyan ni Royal matapos lang ang ilang minuto. May kadiliman ang paligid at tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag. Natatakot siya lalo na’t hindi niya alam kung nasaan sila. Ilang saglit lang ay dahan-dahan na huminto ang elisi ng sinasakyan nila. “Nasaan tayo?” tanong ni Royal. “My island.” Bumaba ang lalaki at saka dinampot ang piloto ng helicopter na naroon sa sahig. Ginamit nito ang lubid na naroon lang at saka itinali ang kamay at paa ng piloto. Umingit ang piloto na sugatan ang binti. He hissed. Bago pa ito may masabing hindi nila magugustuhan ay tinakpan ni Dalton ang bibig ng pinunit din nitong tela. Napapikit ang piloto habang iniinda ang tama ng bala sa binti. “Follow me,” ani Dalton sa kanya. Parang sako ng bigas na ipin

