NASA loob ng isang salon si Royal para sa kanyang ‘me time’ or self-love pampaganda day. Isinama nito si Prinz at Elsa sa isang playhouse habang naroon siya. Sampung araw niya nang hindi nakikita si Dalton. Dapat ay natutuwa siya na wala ito sa paligid niya. Para lang itong buhay niya nitong mga nakaraang buwan, lumipat lang sila ni Prinz sa penthouse ng lalaki. Hindi ba’t siya itong galit kay Dalton? Augh! Hindi niya nagugustuhan ang mga inaakto niya. Nilalagyan ng makinang na bato ang kanyang fake nails na sakto lang ang haba nang pumasok ang pinakatsismosa sa social circle nila, si Mrs. Marites. May kasama itong isa pang ginang na halatang tulad din nito na maraming planong ikuwento. “Gusto ko ng panibagong kulay. ‘Tapos ‘yong kuko ko, gusto ko sana ay ‘yong mapula,” anang gin

