Ilang araw na ang lumipas simula ng engkwentro nila ng Empress. Hindi na iyon nasundan, dahil siya na ang unang umiiwas. Makita niya pa lang ito sa malayo ay iiwas na siya para makaiwas sa gulo, dahil kapag may nangyari sa kanya ay mag-aalala na naman si Inno. He looked a bit stressed the other day. Hindi naman niya matanong kasi ang gusto niya kusa itong mag-open up sa kanya. Hindi niya gustong pilitin ito, kung hindi pa ito ready magsabi sa kanya kung anong iniisip nito ay nirerespeto niya iyon, kaya niyang maghintay hanggang sa kaya na nito.
Isa rin sa dahilan kung bakit niya iniiwasan si Carmela ay dahil naiirita siya sa presensya nito. Ang hirap itago na alam niya na ang lihim nitong pagkatao, baka kapag nakaharap niya ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na masabi ang totoo. Kung ang iba ay kaya magtago ng sikreto, siya hindi kaya hangga’t maaari ay iwasan niya ito. Napuno na siya noong isang araw dito kaya kailangan niya ng oras para bumalik sa kalmado ang sarili niya kapag nasa malapit ito.
Subalit hindi niya kakampi ang tadhana sa araw na ito. Mukhang ito na ang sign na tigilan niya na nag pag-iwas rito at maiging subukan na pakalmahin ang sarili sa harap nito. Habang nag-aayos siya ng sarili sa restroom ay pumasok naman ito kasama ang mga nakuha nitong alipores ng mga nagdaang araw. Sina Cassidy, Cairee, Cluna at Carmela, apat laban sa isa. Nakangisi ang apat sa kanya, mukhang sinundan talaga siya ng mga ito at dito siya sa restroom na-corner.
“Oh… Carmeline the slut is here,” mapangutyang singhal ni Cassidy.
“Don’t you think Carmeline you are lost? This is a school not a bar for slut,” sambit ni Cairee habang nakipag-apir kay Cluna. Hinihintay niya magsalita si Cluna ngunit katulad pa rin dati napakatipid.
Nakita niya sa salamin na lumapit si Carmela sa kanya, akmang hihilain nito ang buhok niya ngunit agad siyang nakaiwas. Laking pasasalamat niya na may salamin at nakikita niya ang mga ito kahit na nakatalikod siya. Disadvantage ang nakatalikod sa kalaban ngunit malaki ang tulong ng salamin sa restroom. “Oh… Are you scared now Carmeline? Nasaan na iyong Carmeline na nakaharap ko noong nakaraan? Iyong walang hiyang sinampal ako ng ilang beses. Nasaan na ang tapang mo Carmeline?”
“Empress, I think naging matapang lang siya kasi nandoon si King sa likod niya. Pero ngayong wala si King ay nawala na rin siguro ang tapang niya,” nakangising wika ni Cluna. Bibihira ito magsalita ngunit kapag bumuka ang bibig nito ay napakatalim ng mga salitang lumalabas.
“OMG girls! Lumayo kayo kay Carmeline baka maihi na iyan sa takot at kaba.”
Napayuko na lamang si Carmeline, itinatago niya ang sarili dahil baka mabulilyaso ang plano niya sa mga ito kung ilalabas niya ang pagtawa. Hindi na muna niya itatama ang mga sinasabi nila. Mas mabuti na magmukha na muna siyang kawawa habang hindi niya pa alam ang totoo. Kulang pa ang impormasyon na nalalaman niya. Hindi niya pa kasi nakakausap ang mga magulang dahil nasa ibang bansa ang mga ito, dumalo sila ng isang conference meeting sa isang business nila. Just wait Carmela, ‘till I scream every lie you’ve brought in Orselleous University.
“Hey Carmeline! Don’t just stand there, here’s my face, you can slap me again.” Linapit nito ang mukha sa kanya ngunit agad ring binawi ng huli. “Just kidding b***h, a low class like you doesn’t deserve to touch my face.”
“Are you talking to yourself Carmela?” Nakangisi si Carmeline ng makita ang pangungunot ng noo ni Carmela. Hindi niya inakala na ang ex-girlfriend ni Inno ay mabilis pala na mapikon. Just like the first time, she thought that having a fight with her would be interesting but she will not show the real her to them, she will not show the way she fights with Chia Chaine the old times. Chia Chaine is out of nowhere, she has no news about her.
“You b***h!”
“Still talking to yourself?”
“Damn you slut!”
“Oh… Still referring to yourself, that's so nice of you. You didn’t let me use my strength to talk.”
Nanggagalaiti sa galit si Carmela, kaya mabilis siyang lumapit kay Carmeline at binigyan ito ng malakas na sampal. Napangiwi sa sakit si Carmeline, hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Masyadong mabilis ang pangyayari ang akala niya’y puro lamang ito salita. May ilalakas pa pala ang sampal nito, mahina kasi noong nakaraan, mukhang napasobra ako sa pang-aasar, ang bilis naman niyang mapikon, walang thrill, anang isip ni Carmeline.
“That’s for insulting me and this is daring to answer back to your Empress!” Napapikit siya dahil sa aktong pagsampal muli ni Carmela subalit wala siyang nararamdamang sakit sa mukha, namamanhid na ba ang mukha ko?
Nang imulat ni Carmeline ang mata ay laking gulat niya ng makita si Chia Chaine sa kanyang harapan na hawak-hawak na ang kamay ni Carmela. She was just thinking about her a while ago but here she is now, in front of her.
“You're too loud! Your shitty voice echoed in every corner of the restroom. Aren’t you ashamed of your deeds, that’s not the right way to argue with your enemies.” Hindi maintindihan ni Carmeline ang ginagawa ni Chia, naguguluhan siya rito. Are you a friend or a foe? “Are you really the Empress? Cause while I am inside the cubicle, I’ve mistaken you as a low class b***h that beats an ordinary student. Don’t you think it's inappropriate, you're bullying some who are weaker than you.”
“You really have the grudge to oppose me Queen, don't you know how to respect your Empress. May I remind you that I still have a higher position to you.” Binawi ni Carmela ang mga kamay sa pagkakahawak ni Chia sa kanya. Samantalang si Chia ay humarap kay Carmeline at iminuwestra nito ang mga gamit na nakakalat pa rin sa lababo. Kaya mabilis na iniligpit ni Carmeline ang gamit. “I didn’t forget that you are the Empress but I do forget now how to respect you anymore.”
“Empress, I think the Queen is just afraid of your presence. She’s the so-called fiance of the King.”
“Oh… You’re the pathetic b***h who wants to own my King.”
“Are you referring to yourself again Carmela?” hindi mapigilang sambit ni Carmeline kaya napatingin sa kanya ang lahat. “Cat got your tongue Empress?”
Magsasalita na sana si Carmela ngunit naunahan ito ni Chia. “Carmeline is right, are you referring to yourself? If I am not mistaken, you are the pathetic one. Coming back to King like nothing happened in the past. You gave King a deep wound, yes I am his fiance but I would like to choose Carmeline than you. I hate you for hurting Inno, he doesn’t deserve someone like you!”
Natulala si Carmeline sa narinig, am I dreaming? Nakita na lamang niya ang sarili na hila-hila siya ni Chia Chaine. Hindi niya alam kung saan sila papunta kaya hinayaan na lamang niya si Chia sa ginagawa. Natigil lang sa paghila sa kanya si Chia ng nakapasok sila sa Forbidden Garden of Roses.
“Chia… I’m not allowed to be here, I am not a royalty like you.” Ang totoo ay nakapasok na siya ng patago rito dahil ginamit niya ang card na ibinigay ng Mommy niya. Subalit dahil kasama niya si Chia ay dapat magpanggap siya parang isang estudyante na sumusunod sa mga bawal.
“Don’t worry, I am with you. They will not oppose my decision.” Napatango-tango naman si Carmeline. Naupo siya sa isang bakanteng bench na katabi ng inupuan ni Chia. “Carmeline, sorry if I called you weak a while ago, I just want to provoke the Empress.”
Napangiti si Carmeline sa tinuran ni Chia, hindi niya inaasahan na hihingi ito ng paumanhin sa pinagsasabi nito kanina. “You don't need to say sorry Chia, I should be the one to say thank you for not letting the Empress give me another slap.”
“Oh that, I’m kinda irritated frankly with her presence. By the way I am sorry for all my bad deeds to you. I just want to protect Inno, I don't want to see him suffer again like the past.”
“I understand, are we good now?” nag-aalangan na tanong ni Carmeline.
Chia Chaine genuinely smiles at her. “Yes, mas gusto kitang makatuluyan ni Bryle kaysa kay Carmela.”
“If you don’t mind, I wanna know why. I’m still confused about the way you treat me now,” aniya.
“After Carmela left Brylle, our parents involved us to arrange marriage. Actually we both protest because we don’t want each other. I like someone else but I use that opportunity to protect Brylle.” Lumapit si Chia kay Carmeline at hinawakan ang mga kamay nito. “Brylle is my childhood bestfriend, nakita ko kung paano siya nasaktan ng sobra sa pag-iwan sa kanya ng Empress. Hindi na siya kumakain at natutulog ng maayos, at kahit pag-aaral napabayaan niya na. Muntik na nga siyang bumagsak, mabuti na lang at natauhan siya at inayos niyang muli ang kanyang sarili. Subalit kasabay rin noon ang pag-iiba ng ugali niya. Hindi na masigla ang kanyang mga mata, puno ng poot at pighati ang makikita mo kapag tinitignan mo siya.”
Kinuha ni Carmeline ang panyo niya sa bag at pinahid sa mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Chia. “Iyong dorm na tinutuluyan mo, doon rin ang dorm ni Empress, kaya ayaw ni Brylle na may gumamit pa noon dahil naalala niya iyong alaala nila ni Empress. Doon kasi siya nagkukulong noon at umaasang isang araw babalik si Empress. Noong unang araw na nakaharap mo ako, iba ang naramdaman ko nang ipagtanggol ka ni Brylle, natakot ako na baka kapag nahulog siya sa iyo ay saktan mo rin siya tulad ni Carmela.”
Unti-unti nang naintindihan ni Carmeline ang lahat, hindi siya sinaktan ni Chia noon dahil sa nagseselos ito, kundi dahil sa takot nito na masaktan muli ang matalik niyang kaibigan. Kahit sino naman siguro gagawin ang ginawa ni Chia, mailayo lamang sa kapahamakan ang kaibigan. “I am different, I am not like Carmela, baka nga ako pa ang iwan ni Inno dahil bumalik na si Carmela.”
“I know you are different from her, at napatunayan ko iyon habang sinusubaybayan ko ang bawat kilos mo sa tuwing makakaharap kita. At kung iiwan ka niya, tanga na lang talaga siya kung babalik pa siya kay Carmela, don’t worry I’m on your side. I know he deserves to have someone like you. Now I know that Brylle is now in good hands, I am relieved. I should focus on my life now, if you will notice, since the day we last encountered each other, I seldom show myself.”
“Napansin ko nga, kasi lagi kong inahanda ang sarili kasi baka bigla ka na lang sumulpot. Alam mo naman na kapag nagkikita tayo, hindi puwedeng hindi tayo magbangayan.”
Natawa nang malakas si Chia, totoo kasi ang mga iyon. “I always go to the hospital, I was diagnosed with leukemia. That’s why I am thankful that you are here now for Inno, I may have time now for my own lovelife. I don’t want to die without even confessing my feelings to him.”
“Oh my… Care to share it with me? If you need someone, I’m just here, you are my friend now.”
“Better luck next time Carmeline, you can’t fool me.”
Sabay silang natawa sa pinag-uusapan nila. Hindi nila inakala na gagaan ang loob nila sa bawat isa.