Chapter 2

1150 Words
NAPANGITI si Paloma nang tuluyan siyang makarating sa kilalang beach resort ng Isla Del Amor at halos mga mayayaman lang ang tanging nakakapunta sa resort na iyon. Pinalad lang si Paloma na makapunta sa lugar na iyon dahil sa taong tumulong sa Nanay niya na doon gustong makipagkita sa kaniya ng personal at mapasalamatan niya. Naoperahan ang Nanay ni Paloma sa puso at malaking halaga ang kinailangan nila para sa operasyon na iyon. Marami nang nilapitan si Paloma para sa pang-opera ng Nanay at nabigla na lang silang magkapatid ng sinadya sila mismo ng abogado ni Alexzander Niklaus Calderon at nagbigay ng tulong sa kanila. Sa una ay nagdalawang-isip siya dahil hindi naman niya kilala si Mr. Calderon at sinabing itatanong pa iyon sa kanilang ina na nasa Ospital subalit sinabi ng abogado ni Mr. Calderon na matalik na magkaibigan ang mga magulang nito at ng Nanay niya at gusto lang talagang makatulong ni Mr. Calderon sa Nanay niya kaya hindi na rin siya tumanggi lalo pa at kailangang-kailangan na nila iyon dahil baka mas lumala pa ang kalagayan ng ina.   Palagi silang pinupuntahan at kinakausap ng abogado subalit tanging si Paloma lang ang kinakausap nito at pinagtatanungan ng kalagayan ng ina at ayaw pang ipasabi sa Nanay niya kaagad na tumulong si Mr. Calderon sa operasyon nito. Saka na raw kapag maayos na talaga ang kalagayan ng ina at gusto ni Mr. Calderon, na makausap ng personal nito ang Mama niya kaya kahit sila ay pinagsabihan ng abogado na huwag munang sabihin na may tumulong sa pagpapa-opera ng kaniyang ina.   Kaya nililihim muna nilang magkapatid sa ina kung saan nanggaling ang perang pinang-opera sa ina at kapag nagtatanong ito ang sinasabi lang niya ay galing sa mga katrabaho at kaibigan na nagtulong-tulong na mag-abot ng pera sa kaniya at lumapit siya sa mga gobyerno para may pangtustos sa lahat ng gastusin.   Pero hindi na maantay pa ni Paloma na dumating ang panahon na bibisita si Mr. Calderon sa Mama niya at gusto niya itong pasalamatan ng personal. Kaya nagdesisyon siyang kausapin ng sarilinan ang abogado ni Mr. Calderon at pinakiusapang hayaan siyang makausap nito ang lalake. At nang muling pinuntahan sila ng abogado ni Mr. Calderon ay may maganda na itong balita.   Pinapunta siya ni Mr. Calderon sa isla del amor kung saan matatagpuan si Mr. Calderon dahil iyon daw ang kagustuhan nito at ito na rin ang bahala sa gastos sa paglalagi niya sa lugar na iyon   Ngayon ay nandito na siya sa isla at talagang napahanga siya sa ganda ng lugar. Heart shape ang buong isla at puno ng kakahuyan ang paligid habang sa gitna naman ay ang malaking hotel na kaagad makikita kahit nasa yate pa lang dahil sa laki at lawak nito. Masarap sa mata ang nakikita niyang magandang tanawin at dama niya ang preskong hangin sa probinsiya.   Sinalubong ang lahat ng mga bakasyunista ng ilang mga staff ng isla at tinulungan pa silang dalhin ang mga gamit nila patungong hotel. Dahil hindi naman kalakihan ang maletang dala niya ay hindi na siya nagpatulong at siya na ang nagdala. Habang naglalakad ay panay ang linga niya para pagmamasdan ang magandang paligid at hindi maiwasang mapangiti dahil alam niyang kahit mag-iisa lang siya na magbabakasyon ay siguradong magsasaya siya. Nagulat pa siya sa paglihis ng maletang pinapagulong niya sa buhangin at bumaliktad ito saka bumukas ang zipper at lumabas ang mga nakatuping damit niya.   "Hala!" bulalas niya at kaagad lumuhod para ayusin ang mga damit na lumabas sa maleta.   Maluwang na kasi ang turnilyo sa gulong ng maleta niya at hindi na makapit ang zipper kaya naghihiwalay iyon at dahil marami ang lamang damit ng maleta ay nalaglag ang ilan doon. Nagulat pa siya nang may lumuhod at tumulong sa kaniya na asikasuhin ang mga damit niyang lumabas sa maleta.   "Mukhang masiyadong busog ang maleta mo at hindi kinaya ang laman kaya isinuka na lang niya,” komento ng tumulong sa kaniya.  Napatingin si Paloma sa nagsalita at nakangisi ang labi ng lalaking tumutulong sa kaniya.   Naka-sombrero ang lalake at tanging nakangising labi at matangos na ilong lang nito ang nakikita niya. Nakasuot ito ng green na polo-shirt na may kapares na green na pants kagaya ng ilang empleyado na sumalubong sa kanila ng kasama niyang bakasyunista kanina nang pababa na sila ng yate. Nag-init ang pisngi ni Paloma dahil sa sinabi ng lalaking tumulong. Nahihiya na nga siya dahil sa pagkasira ng maleta niya sa buhanginan ay dumagdag pa ang lalaking ito na may komento pa. "May problema na talaga ang maletang iyan. Luma na kasi," aniya at nagmamadaling inilagay sa maleta ang mga gamit na iniluwa niyon.   "Halata nga," anito na ikinainis na niya. "Ang yabang naman nitong empleyado na ito! Dapat imbes na nagpapakita sila ng kagaspangan ng ugali ay nagiging nice ang mga ito sa mga katulad niyang bakasyunista!" inis na komento niya sa sarili.   "Nice panty, kulay pink. Ano ito panty mo pa noong bata ka?" natatawang tanong nito na ikinalaki ng mga mata niya. Hawak kasi ng lalaki ang panty niyang pink na in-order pa niya sa Natasha. Kaagad niyang kinuha iyon at nagmamadaling ipinasok sa maleta at kaagad niyang binukas-sara ang zipper para masiguradong sumara iyon. "Bakit pati panty ko ay iniintindi mo? Bastos ka!" asik na niya rito. Tumayo na siya at ganoon din ang lalaki. Doon niya nakita na matangkad pala ito at maganda rin ang katawan. Fitted ang suot na polo shirt sa katawan at parang ito pa ang modelo ng uniform na iyon. "Hindi naman kita hinawakan at hindi rin naman ako naghubad. Kaya paano ako naging bastos?" nakangising tanong nito sa kanya. Sarap lamukusin ang ngisi nito sa labi na mukhang paborito nitong gawin. "Ewan ko sa iyo!" iritado niyang tugon at binuhat na niya ang maleta saka niyakap para hindi na ulit mag-loose ang zipper niyon at bumukas na naman.   "Tulungan na kita riyan, Miss, I am here to help you," alok nito sa kanya pero inirapan niya lang ito at tuluyan na siyang naglakad paalis.   Sinundan naman siya nito hanggang sa nakapasok na sila ng hotel at lumapit na siya sa receptionist.   "May reservation po ako. Paloma Bustamante po ang pangalan ko," kaagad niyang sabi sa babaeng receptionist.   "Okay po, Maam," sabi nito na nakangiti. Humarap ang receptionist sa computer at nag-type doon ng ilang minuto saka muling tumingin sa kanya na may ngiti pa rin sa labi.   "Fourth floor po ang room niyo four-five-six-one," anito at inabot sa kanya ang key-card.   Tumingin ang receptionist sa likod niya at yumukod ang receptionist. “Good morning, Sir,” magalang na bati ng receptionist sa nasa likuran niya kaya napalingon siya rito at nangunot ang noo niya nang malaman na ang mayabang na empleyado ang nasa likuran niya na binati ng receptionist at tinawag na Sir. “Sir? Ibig sabihin mas mataas ang posisyon nito sa hotel na ito?” tanong niya sa sarili.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD