CHAPTER 2 - ANG INA NI MR. COOPER

1570 Words
MY WILD PROFESSOR CHAPTER 2 CELINE's POV: "BAKIT mo pala pinasok ang ganitong trabaho?" Ito kaagad ang tanong ni Mr. Cooper sa akin nang makapasok kami sa VIP room. Sa halip na maging marahas siya, mas pinili nitong kausapin muna ako para interviewhin. Kaya labis ang pagtataka ko kung bakit tila interesado itong malaman ang dahilan kung bakit pinili kong magtrabaho rito. "Mr. Cooper, hindi mo na kailangan malaman ang kwento ng isang tulad ko... Nandito ka para magpaligaya diba? Kaya 'yon na lamang ang ibibigay ko sa'yo. Pag-aari mo ako ngayong gabi, ayon ang importante sa lahat," pahayag mo naman na may pang-aakit sa aking boses. Hindi ko hilig na ikwento ang buhay ko lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala nang lubusan. Hindi ko naman kasi ugali ang magpaawa. Dahil hindi ako sanay na kinakaawaan ako. "Kung gano'n, maaari ko bang alisin ang maskara na tumatakip sa iyong mukha Ms. Angel?" ani nito at akma sana niyang aalisin ang aking maskara. Mabilis ko naman siyang pinigilan sa nais niyang gawin. Hindi maaari. Isang hamak na estudyante pa naman ako. Nakakahiya sa isang kagaya ko na makita nila ang tunay kong itsura. "Alisin mo na ang lahat ng damit ko Mr. Cooper, huwag lamang ang maskara ko," turan ko sa kanya. "Ikaw na ang nagsabi na pagmamay-ari na kita. Bakit parang natatakot kang makita ko ang mukha mo?" he asked again. "Hindi naman sa natatakot ako. I still have my privacy, Mr. Cooper... Besides, katawan ko lang naman ang magpapaligaya sa'yo — kaya sa tingin ko, hindi mo na kailangan na makita pa ang mukha ko," ani ko sa binata. Para maalis sa isip niya ang pangungulit sa aking maskara, ninais kong umpisahan na lamang ang pag-alis ng kanyang butones. Sinimulan ko nang akitin siya. At ramdam kong nag-iinit na rin ang katawan nito dahil nagawa niya na ring haplusin ang aking braso. When I was about to kiss him, biglang nag-ring ang kanyang cellphone kung kaya't napaiwas ito at piniling sagutin ang tumatawag sa kanya. "Damn! Saan na naman pumuntay si mama? — Hindi ba't sinabi ko sa inyo na bantayan niyong maigi si mama? Alam niyong ulyanin na 'yon at matanda na," panenermon na saad nito sa kanyang kausap na halatang naiinis siya sa nangyari. Hindi ko marinig ang usapan nila nang maigi. Pero tiyak kong nag-aalala siya ngayon sa kanyang ina. Kaya sa halip na ituloy namin ang halikang naudlot, mas pinili nitong unahin ang nanay. "Let's just continue this tomorrow. Hindi pa tayo tapos, Ms. Angel," tanging wika niya at agad na lumabas sa VIP room. I don't know why pero may parte sa aking damdamin na bigla akong nanghinayang. Parang na-love at first sight na yata ako kay Mr. Cooper. May disappointment akong naramdaman nang hindi matuloy ang s*x sa pagitan namin. "Bakit nagmamadaling umalis si Mr. Cooper, Angel? — Ano bang ginawa mo? Hindi ba siya na-satisfied sa performance mo? O baka naman nagpakipot ka pa," agad na turan ni Madam Baby nang bigla siyang pumasok sa VIP room nang makita niya sigurong umalis si Mr. Cooper. "Wala naman akong ginawang ikaka-turn off niya Madam Baby. Sadyang may importanteng lakad yung tao kaya nagmamadaling umalis. — Kaya chill ka lang. Hindi ka nawalan ng customer dahil babalik siya bukas," saad ko rito upang matigil siya sa kakatalak. "Siguraduhin mo lang Angel ha? Alalahanin mo yung utang ng pamilya mo," muli nitong paalala. Nang akmang lalabas na siya ng VIP room ay agad ko siyang pinigilan para klaruhin ang magiging lagay ng utang namin sa kanya. "Sandali lang Madam Baby... Kapag ba naibigay na ni Mr. Cooper ang tatlong milyon sa'yo, ibig sabihin ba no'n ay manos na ako sa utang? — Maaari na ba akong magresign sa trabaho kong ito?" tanong ko naman. "Kung maibibigay nang buo, talagang manos ka na. May tip ka pang fifty thousand sa akin. Kaya igihan mo bukas kung gusto mo nang makaalis sa impyernong trabaho mo," wika ni Madam Baby dahilan para maging klaro sa akin ang lahat. Napahugot naman ako nang malalim na paghinga kasabay nang pagtingala ko sa kisame. Tomorrow is my last day here in the club. Kapag na-satisfied ko si Mr. Cooper, hindi ko na kailangan pang gumiling sa entablado at magsuot ng panty at bra. "You can do it, Celine... Just drink and use pills para hindi ka mabuntis ni Mr. Cooper," kausap ko sa aking sarili. Kalaunan ay lumabas na rin ako ng club. Hindi ko na suot ang wig at maskara ko, dahil tanging facemask na lamang ang siyang tumatakip sa aking ilong at bibig para masiguro kong hindi ako mamukhaan ng mga taong makakasalubong ko sa daan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, meron akong nakitang matandang babae na pinagtitripan ng mga tambay sa kanto. Walang kalaban-laban ang matanda habang binibigay nito ang wallet at alahas niya sa mga lalaki. Bakas sa mata nito ang takot na baka saktan siya ng mga tambay kung kaya't pinili nitong isuko na lamang ang pera at alahas upang masiguro niya ang kanyang kaligtasan. Ayoko na sanang pumasok pa sa gulo, pero hindi ko kayang tiisin ang paghikbi ng matanda. Kailangan nito ng saklolo at ako lang ang bukod tanging tao na makakatulong sa kanya. Masyado na kasing malalim ang gabi at kahit isang tao ay wala akong malapitan para makahingi ng tulong. Malalim naman akong napabuntong hininga bago ko napagdesisyunan na tulungan na nga ang nakakaawang matanda. "Bahala na si Batman," iyan na lamang ang nasambit ng aking utak nang lumapit ako sa mga masasamang lalaki. "Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha? — Pati matanda, ninanakawan niyo pa?! — Ganyan na ba kayo ka-tamad at hindi niyo magawang gamitin ang malalaking katawan ninyo para maghanap ng trabaho?!" malakas na bulyaw ko sa mga ito dahilan para makuha ko ang atensyon nila. Napalingon silang lahat sa akin kasabay nang pagtawa nila na animo'y hindi sila nasindak sa boses ko. "Ikaw Miss, ano bang pumasok sa isip mo at nakikisali ka? — Ang lakas ng loob mong maging bayani, eh babae ka lang naman," wika ng isa na tila'y minamaliit nito ang pagiging babae ko. Napataas naman ako ng kilay sa tinuran niya. "Tama ka. Babae nga ako. Eh ano naman ngayon kung babae ako? — Akala niyo ba, hindi ko kayo papatulan? Baka nga hindi kayo umubra sa akin," mayabang na pahayag ko upang sungkitin ang pagkapikon nila. "Aba pare! Matapang ang babaeng ito. Parang hinahamon yata tayo," saad ng isa pa nilang kasama. Napangisi naman ang isang tambay nang muli niya akong tingnan mula sa aking paa hanggang sa aking ulo. And I just realized na maiksing short ang suot ko ngayon. "Anong klaseng laban ba ang gusto mo, Miss Sexy? — Labanan ba sa kama ang nais mo? Kasi kung oo, pagbibigyan ka namin para maging masaya naman ang gabi mo," puno nang pagnanasa na litanya nito. Dahil sa sinabi niyang kabastusan ay hindi na ako nakapagpigil pa at inambahan ko kaagad ito ng suntok. "Gago! — Hinding-hindi ko kayo papatulan! — Suntukan na lang ano?!" usik ko muli. Pero bago pa man matuloy ang pananakit ng mga lalaki ay saktong may dumaan na patrolman hudyat para mapatakbo sila palayo. Mabilis ko namang nilapitan ang matanda at tinanong ito. "Kumusta ho kayo Ma'am? — Sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang bigkas ko. "Hindi naman ako nasaktan hija... Pero salamat sa pagligtas mo sa akin. Nakakahanga ang iyong katapangan. — Ano bang pangalan mo?" ani ng matanda. "Celine po... Celine ang pangalan ko," pagsasagot ko naman. "Salamat Celine. Hindi ko akalain na meron pang kagaya mo ang handang ibuwis ang buhay para lang makatulong sa mga taong kagaya ko," wika niya ulit. "Kahit naman po sino handang tumulong. Kaya walang anuman po... Pero matanong ko lang, bakit po kayo nasa labas pa? — Masyado pong delikado na nasa labas pa kayo nang ganitong oras. Marami na pong masasamang tao ang umaaligid-aligid sa ganitong lugar — kaya dapat nasa bahay na lang kayo... Wala ka po bang anak, Ma'am?" pahayag ko sa kanya. "Meron akong isang anak, hija. Pero wala naman 'yon na pakialam sa akin dahil masyado 'yon na busy sa trabaho niya," mahinang tugon ng matanda. "Kung gano'n, walang kwenta pala 'yang anak niyo Ma'am. Naku! Iresponsableng anak... Paano na lang kung may nangyaring masama sa inyo? — Paano na lang kung hindi ako dumating o kaya hindi dumating ang mga patrolman? Sigurado akong malalagay ka sa kapahamakan," ani ko at hindi ko maiwasan na mainis sa anak niya. Masyado pa sanang mahaba ang sasabihin ko pero huminto na sa tapat namin ang patrolman kaya't naputol na ang panghuhusga ko patungkol sa anak ni ma'am. "Ihahatid na namin kayo, baka kung mapano pa kayo rito sa labas," wika ng pulis sa amin. "Salamat po Sir sa pagdating niyo. Pero mas mabuting si Ma'am na lang ang ihatid niyo sa kanila dahil malapit lang naman ang inuupahan ko rito," saad ko sa pulis. "Naku hija, sumabay ka na sa amin. Para hindi ka na maglakad," pagpupumilit sa akin ng matanda. "Huwag na ho Ma'am. Kaya kong protektahan ang sarili ko," tanging tugon ko upang hindi na humaba pa ang aming usapan. Tuluyan na ngang umalis ang dalawang pulis kasama ang matandang babae na tinulungan ko kanina. "Ibang klase ang anak niya. Hindi man lang siya hinanap," naiiling na sambit ko kasabay nang paglalakad ko pauwi sa nirerentahan kong bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD