Sandaling napatigil ang dalagang si Khala sa kanyan pagsasalita at tila ba dapat nitong ipaliwanag ang kanyang sinabi dahil hindi naging maayos ang pagkaka unawa ng kanyang lolo at lola. " Ano ba ang ang sinasabi mo diyan bata ka" Tanong ng kanyang lola Ineng at nagkatinginan sila ni Padre Damian at sabay napa inom ng tubig. " Ahmm.. wala lang po yun, kumain na po tayo" Pag iwas ni Khala at naging sunod- sunod ang pag subo ng dalaga hanggang sa mabulunan na siya. Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain at hindi na inisip ang sinabi ni Khala at maya-maya pa ay huminto na rin ang ulan kaya naman pagkatapos kumain ng Padre Damian kumain ay nag paalam na ito na aalis na. " Hatid ko na kayo Padre Damian" Alok pa ng lolo ni Khala ngunit tumanggi na lamang si Padre Damian dahil madilim na rin a

