11

3101 Words
m.u. 11 EVA JUSTINE/ASTIN’s pov Nakipagkwentuhan pa si rann kena mama pagkahatid sa akin. hindi pa nagkasya nakikain na rin siya. napapatingin ako sa relo ko. past 7 na parang wala pa siyang balak umuwi. Nakipagkulitan pa kasi siya kay ivvo sa comp games. “hindi ka pa ba uuwi?”tanong ko sa kanya. “gusto mo na akong umuwi?” Tss. Paawa effect e. kung wala lang kami sa bahay kanina ko pa to kinutusan. “e maaga ka ulit bukas diba?” “uhm ah oo pala… last 5 days ko na sa work.”  “bakit?” “mag-aaral na ulit ako.”tugon niya. Siya namang pagbalik ni mama sa sala dala-dala yung mga sinampay na kailangan ko daw tupiin.”mabuti naman rann. San ka na nga nag-aaral?” “sa St. Charles state university po tita.”tugon niya. Two cities away from here. Kailangan pa niyang magbyahe ng aabot sa dalawang oras. “mag-uuwian ka ba?”dagdag ni mama. “hindi po ta. Magboboard po ako. every two weeks po ako umuuwi dati e.” “nakakaya mo yun?”sabat ko naman. She smiled and nodded.”yeap. para makatipid rin. saka kaibigan ni mama na yung landlady namin kaya kahit hindi na nga daw ako uuwi e.” Tumango-tango lang si mama pero parang gusto ko magprotesta sa ideyang yun. after two weeks uuwi lang? tsk. I eyed her. Tiningnan niya ako ng parang nagtatanong. Iniwas ko na lang ang tingin ko ang nagkunwareng abala sa phone ko. nagpaalam na rin siya kay mama at hinatid ko siya sa labas pra maghintay ng tricycle. “hintayin na lang natin yung sundo ko.”naupo siya sa may gilid ng kalasda. Hilig talga nito umupo kahit saan. “sinong sundo mo?” “Sina ate shu yin at raichel.”kaswal niyang sagot. Hindi ko na nga siya inimik. Hindi lang ba niya gets na nagseselos nga ko. tsss. “oh huwag ka nang magsimangot diyan. hindi kita mayayakap dito.”natatawa niyang kinuha yung phone ko. “paano ang Bluetooth nito?” I got my phone from her,”wala ba sa bundok to?”I smirked and turnend on the Bluetooth. Receive…save..open image… O_O—me “ganda niya noh?”she said seriously habang nakatingin lang sa kabilang kalye. “kailan to?” “nung nagpunta kayo sa bahay. Nung sinabi mong you hated me.” Yung picture na finorward niya kasi yung magkasama kami ng kapatid niya. e loko to ako lang ang kinuhanan niya ng picture. Close up much. Kahiya naman oh. “kita nga yung pimple mo oh.”turo niya sa pic. Iniwas ko nga yung phone. pang-asar to kahti kailan. Dumating na sina ate shu yin. Tumayo na rin si rann at pinagpagan ang pants niya. “ingat.”paalala ko sa kanya. She just smiled. Nag-apir lang kami kasi baka hindi ko pa man din masisiguradong mahal ko siya e mapurnada na pag nasense ni mama na bi tong si rann. ang ikinainis ko sa loob pa siya naupo at katabi niya sa raichel na tinanguan ko naman. Tinupi ko nga yung mga sinampay at nag-empake na rin ng mga dadalhin namin sa LA Union. Siguro mga isang linggo kami doon. After ko magfreshen up ay ibinagsak ko na ang aking sarili sa kama at napatingin lang sa kisame. Nagbilang ng butiki. De just kidding. Naalala ko yung unang note na binigay sa akin ni rann. Yung sa mcdo tissue. I immediately got up at hinalungkat ko saan ko man nailgay yun. After watwansan miles ay nahanap ko rin. kung gaano ka-inspiring yung note niya ganun naman kabitter yung sinulat ko pala. The day he broke up with me. musta na kaya yung ex first love ko. I turn on my laptop and visited his sss account. Yun mukha naman ok na siya with his new girl. Iniscan scan ko lang yung pics nila. Hindi nga lang tulad ng dati na parang gusto ko na siya imessage at sabihing bakit ganun na lang niya ako ipinagpalit. Sighed. Then I turned to rann’s sss account. Hindi naman masyadong obvious na inlove siya. bawat stat niya may smiley. Tapos yung mga kaibigan pa niya kung makacomment wagas rin e. dalawang account pala niya ang ibinigay niya sa akin. yung isa para sa mga friends niya na alam na bi siya. hindi nga niya real picture yung DP niya. yung ang sunod na vi-niew ko. angdami rin niyang friends dito. benta rin yung mga stat niya. natutuwa akong basahin yung mga stat niya mula nung nagkakilala kami personally. “so she’s that nursing student I bumped into.” Nakwento kasi niya minsan na may muntik na siyang nabanggang nursing student. Na busy daw sa pagtetext. At ang weird nung naamoy niya ang buhok ko saka siya nagconclude na ako yun estudyante na yun. musta naman ang smelling powers niya diba? Scroll down…. “i think I am falling……” Marami nga ring comments e. -----kanino? @basta ----maganda? @oo naman dre ----patingin ng pic @sorry di pwede e. ----saan ba siya? @SA PUSO KO.. and more comments like these. Ay korni. Kung maka-puso ko talaga yung babaeng yun. pero infairness natuwa naman ako. hindi ko na nga namalayan ang oras sa kakabrowse ko ng account na yun e. then nag-ol siya sa account na yun. RAYJHI “mamimiss ko siya…one week away from her seems a lifetime” Angdami niyang autoliker naman. wala pang 5 minutes dami ng likes. De siya na ang sikat. Nag-pop up sa chat box ang name ni rann. Smile lang yung message niya. Rayjhi: ^______^ Pinalipas ko muna ang ilang minuto. Rayjhi: ui nagpapamiss. Adik lang e. lakas ng fighting spirit. Ignore ulit. pero nangingiti na ako. huhulaan ko ang next na isesend nito. Another messages from her. Rayjhi: eva Justine borja! Missssssss na kitaaaaaaaaaa…. Wide smile lang ako. sabi na nga ba maglalambing na naman yun e. mareply nga. Me: ? bakit?anong ginawa ko.bakit mo ko miss? Rayjhi: ewan. E sa miss nga e. Nagpop-up bigla ang name ni PJ. Nakatitig lang ako sa message na sined niya. PJun: hi I miss talking to you…. Damn. I ignored his message. Then here comes another message from him. Pjun: pareho pa rin ba ang number mo? Tawag ako. :’) Bago to PJ ah. Anong problema kaya nito. Another message from rann naman. Rayjhi: hon? Tulog ka na yata. Me: hindi po. Uhm… diyan ba natulog si raichel? Rayjhi: oo. Tabi sila ni are shu yin.^___^ selos ka naman honey ko? Me: no. Rayjhi:ok. Naiinis lang ako rann. Naiinis lang. niloko ako ni PJ diba? pano pag ganun ka rin sa akin. angclose niyo ni raichel kasi. Hindi pa man din nag-aasume na e. Nagring ang phone ko. it’s flashing an unregistered number. Sinagot ko na lang rin baka importante. I put on my headset. @hello sino to? ---- peter here…. Kumusta ka na justine? (so ito na? kausap ko na ang firt love/first ex ko na pinagpalit ako sa cheerleader ng skul pep squad nila) @doing fine… ikaw? Habang kausap ko siya ay nagagawa ko pa ring mgreply sa mga messages ni rann. Well I am tryin to. Hirap kayang mag-multi tasking. RAyjhi: hon..eenrol na ako next week. Sama ka? Sasama ba ako? ---still there Justine? Anong ginagawa mo na? Wait so natutuliro na ako ha… @andito pa ako…nag-i-sss lang ako…bakit ka napatawag? Musta na kayo ng gf mo? --- ewan ko… uhm..pero we’re trying to fix things.. Fix? So nagkakalabuan sila? malamang eva jsutine fix nga diba? may ififix bang maayos. Naku naman. pinakinggan ko lang yung mga kwento niya. or should I say mga sumbong niya. selosa daw yung gf niya kasi. Lahat na lang ng madikit sa kanyang babae pagseselosan niya. --- ibang-iba siya sayo Justine..(he said in a low voice na parang may ibang ibig sabihin.) Hindi ko na naharap ireply si rann. Kasi naman tong lalaking to. Nagdadrama. Emo yan si PJ. Malamang may matindi silang away ng gf niya kaya ganyan yan. At dahil mabait naman akong tao. Hinayaan ko lang siyang magsumbong. @so anong nangyari sa inyo kasi? Ok ka na? --- sinampal niya ako kanina. Pero ok na ako ngayon. Kausap na kita e.. Sus. Ito na naman siya. bumabanat ng kakornihan. Just like before. Nung purely magkaibigan lang kami.    ---ikaw? May bago ka na? Bigla naman akong parang namutla ang pakiramdam sa tanong niya. hindi ako nakasagot agad. ---hey Justine? Andiyan ka pa ba? meron na ba? @wala pa… ---impossible… @wala pa nga… Pagtingin ko sa screen angrami ng messages from rann. God. Pagtingin ko sa phone ko halos isang oras na pala kaming nag-uusap ni PJ. Rayjhi: hon? Andiyan ka pa? Hon…..sama ka ha? Di ka na reply… Tulog ka na? I love you… Tawag ako…. BUSY ANG LINE MO. MATUTULOG NA AKO. That’s last message I received from her. oh damn lang. samantala nasa kabilang linya pa rin si PJ. Ganito lang siya pag natatawag dati hinahayaan niya ako sa mga ginagawa ko kahit nasasayang yung load niya. hindi naman sayang kasi unli call siya siguro. Nagpaalam na ako kay PJ kahit parang gusto niyang magprotesta. Isang message lang ang nareceived ko from rann. Rann: you okay? Goodnight. Halla angdry ng message. Galit kaya siya. sinubukan ko ngang tawagan. Mag-ala-una na pero. Tsss. Pero sige subukan lang naman. I dialed her number. After ng tatlong rings ay nasagot yun. pero guess what kung anong narinig ko. yung pag-inhale and exhale ni rann. Angkalmadong pakinggan.minsan napapahilik pa siya. she must have put her headset on at naka-automatic answer ulit yung phone niya. natutulog nang nakaheadset? Heheh. Yeha ganyan siya. nadali na ako minsan nun e. regular load pa man din yung gamit ko nun. Missed call lang sana pero nasagot yung tawag ko. nabawasan tuloy yung load ko ng 7.50. masama loob ko nun ha..hindi ko na kasi maiiunli yung natirang load. Hehehe. Minura-mura ko kaya siya nun. Para naman siyang ewan an sorry nang sorry. So cute lang. e gusto ko lang siyang makitang ganun.angcute kasi. Hindi ako sadista ha. e kasi pag nagsosorry siya may kasamang pagkain at puppy eyes look pa. >_< Unli call naman ako kaya hindi ko pinatay yung call. umabot ng 20 minutes na nakahiga lang ako at nakikinig sa paghihilik niya. hehe. para pag nagising siya at Makita yung name ko sa call log niya makonsensya siya. aba pinaghintay niya ako ng ganito katagal no. nakatagilid ako at nakayakap lang sa unan ko. then she suddenly talked. ( hon… goodmorning…) @ goodmorning rann…sorry… (it’s okei..tulog na tayo ulit….) Swear yung boses niya tulog na tulog pa… @nakaheadset ka na naman… (oo e..para hindi ka mainip pag tumawag ka…) @nakapikit ka pa no?(nakangiti ba ako nito. Oo yata. Kasi naman parang naiimagine ko yung itsura niya ngayon. Yung sobrang antok pero kinakausap pa rin ako. (oo ee…kiss na kita goodnight tapos matulog ka na rin..) @e mamaya pa… (hon…) @geh na nga…goodnight na… (I love you…..) @hindi ka ba nagsasawang sabihan ako niyan? ( ilove you… I love you..i love youuuuu)she chukled. @naku…magigising ka pa lalo e…tulog na tayo… uhm..mahirap signal dun sa pupuntahan namin. Bulubundukin e… And you know what happened next? Wala! Wala nang sumagot sa kabilang linya. Narinig ko na ulit yung kalmadong paghinga niya. RAY ANNe’s POv the last thing I remember may kausap ako sa phone tas yun alas-sais na ng umaga. Nagising ak osa alarm clock na tinapat ni ate shu yin sa kanang tainga ko.  naalimpungatan ako at napaupo. “nagising ka rin sa wakas”naupo rin siya at alam ko nang masinsinang usapan to. Inayos ko ang buhok ko gamit ang mga kamay ko. hinaplos haplos ko ang antok sa mukha ko,”what is it?” “about raichel. Anong meron sa inyo?”she seriously asked. “wala po…”tugon ko lang. “then why is she crying all night? anong ginawa mo?” Sumandal ako sa pader and sighed is frustration. “I chose someone I love more I guess.” “pero gusto mo si raichel noon diba? hindi mo madedeny yan rann.”usig niya sa akin. Hindi ako nakaimik. Malakas talaga ang instinct ni ate. “nagulat ka? I’ve known you for so long rann. Bawat liko ng utak mo alam ko na. mahal ka ni raichel. Alam mo rin naman siguro yun. pinagsasawalang bahala mo lang.” “alam mo naman kung bakit diba?” “yeah I know. Dahil ngayon pinili mo ang taong higit mong mahal. Sana lang maging maayos ang lahat.” “wala akong pakialam te… kung ano man ang consequences ng desisyon ko haharapin ko.” She then stood and left my room. I just check on my phone. si astin pala yung kausap ko kagabi. Hindi ko na masyado maalala kung ano ang napag-usapan namin. Ang alam ko lang medyo naiinis ako nung tinatawagan ko siya tapos busy ang line niya kaya yun itinulog ko na lang. Lumabas na rin ako para magbreakfast. Si raichel daw ang nagluto kaya angdami na naman. siguradong pati dinner ko na ang iniluto niya. “kain na tayo?”yaya ni rai sa akin. Naupo ako sa tapat niya. Magana pa rin siyang kumain. But I can the awkwardness between us. “ubusin mo yan ha?”turo niya sa pagkain sa plate ko. Tumango lang ako. wala gaanong napag-usapan habang kumakain dahil inaapura na kami ni ate. sana nga lasing na lang to para hidni akmi inaapurang pumasok e. Naunan naligo si ate shu yin at aabutin siya ng isang oras na naman niyan. Nag-offer si rain a magligpit ng pinagkainan namin. Nakaupo lang ako sa mesa habang nagliligpit siya. “hilig mong manood ng naglilinis?”tanong niya habang nakatalikod sa akin. “not really. I am resigning.” Saka siya humarap sa at sumandal sa lababo,”alam ko. sana hindi dahil sa akin.” Umiling ako.”mag-aaral na ulit ko.” “ah… pero partly dahil rin sa akin?”ulit niya. Nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawang kamay.”rai… sorry… “ Pinahid ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata pero too late. Tumulo na ang mga ito. humihikbi siyang sumubsob sa akin.”si Justine ba? you love her?” “rai…”hinawakan ko siya sa magkablang balikat para magkaroon kami ng distansya sa isa’t-isa.”napipikit na ang mga mata mo oh. Papanget ka na niyan.” “hindi na kita iiyakan…”pahid niya sa mga luha niya gamit ang kanyang braso. “yeah. Coz I am not worth those tears.” Umiling lang siya.”minahal kita rann. Kaya imposibleng wala kang kwenta. Hindi na kita iiyakan dahil ayaw mong Makita akong umiiyak diba?” I smiled. “oo rai…ayoko...”then I kissed her forehead. “pero pwedeng kaibigan pa rin kita?” Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa sa akin. “yaan mo na nga..sa ayaw at gusto mo naman kakaibiganin pa rin kita e.”saka ko na siya tinulungang magligpit. Napapailing na lang siya sa sinabi ko. alam naman niya kasing katigas ng ulo ko at kung sinabi kong gusto ko gagawin ko. Pinauna ko na siyang naligo at nakiligo na lang ako kena tito sa kabilang bahay. Isa pa kasi siya na maraming orasyon bago matapos e. Nagsishare kami ni rai sa headset ko dahil favorite daw niya yung song na pinapakinggan ko. NP: PANGARAP LANG KITA Abala naman si ate shu yin sa kakatawag kay beloved boyfie niya. at yeah. Bati na sila. paranoid lang tong si ate kasi. Naglalakad na kami sa mall papunta sa area ng mcdo. Mag-alas 8 pa lang naman. 12 noon pa ako mag-i-in tamad lang ako mag-isa sa bahay kaya sumama na ako sa mga to. Still sharing headset nang makarating kami sa store. Nagitla ako nang Makita ko sina astin kasama sina tita at ivvo sa may malapit sa pinto. Kumaway-kaway sa akin si ivvo. Si astin naman tinapunan lang ako ng tingin at binalik ang pansin sa pagkain niya. “it seems like trouble”natatawang komento ni ate shu yin at tinaggal ang headset sa mga tainga namin ni raichel” mag log in ka na rai…maraming costumers.” Ate eyed on me as if telling me to go and talk to her. sus talk to he when she’s with her mom. Ipinasok ko muna ang mga gamit ko sa locker room. Then went out at pinuntahan sina astin. “good morning po tita.”nagmano ako sa kanila. Nag-apir naman kami ni ivvo.”taggutom ka na naman???” “ito kasing si ate kahapon ko pa niyayaya ayaw man lang akong ilibre..” Bumaling ako kay astin.”pwede mo naman akong tawagan ahy.” Hindi naman siya umimik. Si tita naman nag-excuse at isinama si ivvo may mga bibilhin daw dadalhin sa la union. Hinintay ko pa silang makalabas ng store para safe.hehe. “hey? Anong problema mo?” kumuha ako ng fries niya. “bakit di ka bumili ng sarili mong fries.”irap niya sa akin. “e sa gusto ko e..”bawi ko naman. Isinawsaw ko yung fries sa sundae. Tinitigan ko lang siya pero umiiwas siya. she really hates this. Nagbablush na naman siya oh.”you’re blushing again.” Hindi naman kami gaano nakapag-usap. Pareho kaming tinatamad magsalita lang siguro. until she broke the silence,”sorry kagabi…” “ok lang…importante lang siguro yung kausap mo kagabi.”Kinuha ko yung tissue sa gilid ng tray at yung ballpen sa bulsa ko. matama lang siyang nakatingin sa ginagawa ko.preo tinakpan ko yun.”walang kopyahan. Magdrawing ka rin kung gusto mo.” Nag-abot ang mga kilay niya. naiiritan na naman yan. “ano bang ginagawa mo ha?” “tsss. Secret…” sketch..sketch…kunware anggaling galing kong magdrawin tinitingnan tingan ko pa siya kunware. Pinirmahan ko pa oh.”yan…”tinakpan ko ulit yun at tinitigan siya.”kamukhang kamukha demn.” Yung tingin niya mas naiinis. Hoho. I love this woman infront of me. “look ohh….ganda mo oh…”ipinakita ko sa kanya yung drawing ko. hawak ko sa dalawang kamay at proud na proud kong pinakita sa kanya. “I really hate you,,,!!!”she grabbed the tissue. Dami ko lang tawa. Kasi yung dinrowing ko anime nurse tapos may pangil. Tas nakalagay yung kumpletong name niya. “ganda naman ah? Angsungit mo kasi.. yan tuloy…” Binisyo ko lang siya habang magkasama kami. nagyaya naman siyang pumunta sa department store. Andun daw sina mama niya e. I still have time kaya sumama naman ako. pumunta kami sa bilihan ng mga gadgets. Tingin-tingin lang naman. napatigil siya sa may mga nakadisplay na earphones. “bibili ka ba? “tanong ko sa kanya. “oo…” “pwede pa naman yung earphones mo diba?” Pero hindi niya ako pinansin. Tinuro niya sa saleslay yung earphone na pang-isang tao lang. hindi naman yung anglaki-laki. Sakto lang. “selfish mo naman sa earphone na yan,”biro ko sa kanya. Hindi na naman siya umimik. Ay grabe tong babaeng to pag tinamad magsalita. So pumila naman kami. bumuili rin ako ng casing ng phone ko. gusto ko ng pure black phone e. paglabigay sa kanya nung bag ay agad niya itong in-unpacked. “saan na yung earphone mo?”tanong niya sa akin. Inilbas ko yung green earphone ko. “bakit?” “gusto ko yan e..”inabot niya sa akin yung binili niya.”palit muna tayo.” Hindi naman ako sumang-ayon pero she got my earphone na at ikinabit niya sa phone ko yung binili niya at isinabit sa leeg ko. white and red yung color ng binili niyang earphone.”bagay rin naman.” Saka niya tinurn-on yung mp3 sa phone ko.”malinaw ba?” I nodded. “good.” Then she turned it off. Tinawagan na siya ni tita. Hihintayin na lang daw siya sa may entrance ng mall. Naglalakad lang kami at nakikiramdam sa mood niya. “may sasabihin ka ba?’basag niya sa katahimikan. “ingat ka dun ha?” Tumango siya. “tapos tatawag ako gabi-gabi.” “okei.” “hindi ko na papatulugin sa bahay si raichel.” “good.” “good?” “oo.bakit?” Umiling lang ako. ngumiti naman siya. nakakaloko lang talaga tong babaeng to minsan ei. pababa kami ng hagdan at humawak siya sa braso ko. “isang linggo kami dun rann. Be good ha?” “good naman ako.” “yeah right…sinishare mo pa nga yung earphone mo sa babae mo e..”binitawan niya ang braso ko dahil malapit na kami sa baba. Hinatid ko pa siya kena mama niya dahil may ibibigay rin ako kay ivvo. Yung guitar pick ko na gusto niyang arborin. Nagpapalakas nga diba? hehehe. Nag-apir lang kami ulit ni astin bago sila umalis. Papunta na ako sa store nang makariceive ako ng message from her. Astin: oh ndi mo na masishare kung kani-kanino yang earphone na yan :”) bubye,,, napapangiti na lang ako sa text niya. sa inis niyang nagshare kami ng earphone ni raichel bumili pa siya? another text from her. astin: wag kng mag-isip ng kht ano. Gus2 q lng tlga ung earphone mo. Cge.work ka na. txt me wen ur home. :’) ---        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD