9
EVA JUSTINE/ASTIN’s pov
Pagkagising ko ay nakaharap pa rin sa akin si rann at nakapatong ang kanang braso sa may tummy ko. dahan-dahan ko yung tinanggal para makabangon na ako. ayokong magising si aryana na makikita niyang ganito ang ayos namin. Pagkatanggal ko ng braso niya ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Pero imbes na magligsapit ay nakaidlip ulit ako sa may mesa. Hindi nga kasi ako nakatulog nang maayos dahil sa tuwing tatanggalin ko ang pagkakayakap sa akin ni rann ay mas hinihigpitan niya ito.
“astin…astin…’I heard someone calling me. saka lang ako nagising. Si aryana pala na niyuyugyog ako para magising.”gising ka na tol… magluto ka na.”
“ikaw na lang..”
Hindi naman siya kumontra at isinangag na yung natirang kanin kagabi. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na rin si JL na nakahawak sa ulo niya at mukhang masama ang pakiramdam.”tol nakailan ba ako kagabi?”baling niya kay aryana.
“ewan tol. Ang alam ko lang unlimited ang t-iced kagabi. Tapos tawa nang tawa si ate shu yin.”
“bakit parang narinig ko ang pangalan ko?”sabay ni ate shu yin na kakalabas lang rin ng banyo. ”si rann?”
“tulog pa,”sagot ni JL.
Bigla namang nag-init ang mga pisngi ko nang marinig ko ang pangalan niya, I leaned my head on the table para hindi nila mapansin. Nagkape na rin sila. walang imikan. Hindi man lang naopen yung mga nangyari kagabi, yung mga pag-iyak ni ate shu yin yung mga pangungulit ni aryana at JL.
Si ate shu yin na rin ang nagluto. Para lang kaming mga batang naghihinatay nang makakakain. Inihanda na rin ni ate ang hapag kainan.”kumain na kayo diyan. tawagin ko lang si rann.”
“tulog mantika siya e.”said aryana.
“nagligpit pa ba siya kagabi?”tanong ni ate.
Tumango ako. Maya-maya ay lumabas na rin si rann ng kwarto. Tuloy-tuloy lang siya sa mesa. At napangalumbaba.
“goodmorning,”malamig niyang bati sa amin.
Wala pa rin kaming imikan habang kumakain. Parang mga nalowbat kaming lahat. Panay ang tingin ni ate shu yin kay rann. “rann, off mo ngayon noh?”
Tumango si rann.
“ako rin e. gusto niyong gumala?”yaya niya sa amin.
Nag-ok agad itong si aryana at si JL.
“baka di ako pwede.”sabat ko naman. napatingin sa akin si rann. Nag-init na naman ang mga pisngi ko dahil naalala ko na naman yung paghalik niya sa akin kagabi.
“ah oh”tipid niyang sagot.
After kumain ay nagtulong-tulong kaming maglinis sa may sofa samantalang si rann ay bumalik sa kwarto niya. “anong nangyari doon?”tanong ni aryana.
Napansin ni ate shu yin na naubos yung mga pinabili niyang alak kagabi. Pareho naman tumanggi sina JL at Aryana sa mga tingin ni ate na parang inaakusahan silang umubod ng mga iyon. Nagdidiskusyon pa nga sila e. pinipilit ni aryana na baka si JL ang umubos e pareho kasi silang lutang kagabi. Siya namang paglabas ni rann na nakakunot ang noo. “ate shu yin….”
Napalingon naman si ate sa kanya. nakahawak ang kanang kamay nito sa ulo niya. “rann…did you just drink the rest of tanduay iced?”
“hindi ko alam?”tugon ko rann.
O_O – aryana-JL-me
“sh*t rann. I told you not to drink too much…” natatawa pero pagalit na tono ni ate shu yin sa kanya.
Binilang naman ni aryana yung bote sa may gilis ng upuan.”15? kinse tol! Kinse na bote tong inubos mo! Musta naman ang pakiramdam?”
“ewan.”she shrugged her shoulders.
Lumapit sa kanya si ate shu yin.”did you…..????”
“ewan ko!”winaksi ni rann ang mga kamay ni ate shu yin at tumuloy sa banyo.
Nagtungo na rin ako sa kwarto at kumuha ng ilang gamit para makaligo na rin. gusto kong iwasan si rann dahil sa nangyari. Paglabas ko ay sina ate shu yin na nagkukwentuhan sa may sala.”talaga????!!!” bulalas nina aryana at JL.
O_O---me
“tol!! Nanghahalik daw si rann pag lasing?!!!”
Pero napatakip rin siya ng bibig niya nang mapagtanto niyang nakalabas na rin si rann ng banyo at narinig ang mga sinabi niya.
“oh rann…wala ka na namang maalala?”said ate shu yin.
Umiling si rann. Saka siya napatingin sa akin at namula na naman ako.”are you okay?”
I nodded.
“hatid na kita mamaya.”then she went to her room. angwierd ng feeling parang kami lang ang nasa bahay. Parang hindi ko naririnig sina ate shu yin. Parang kami lang ang nag-eexist.
Nagyaya si ate shu yin na magpuntang resort na minamanage ng kaibigan niya. sigurado naman hindi ako makakasama kaya hindi na ako sumama sa pagpaplano nila. nauna nang umalis sina JL at aryana para makapagpaalam sa kania-kanilang mga magulang. Hinintay ko naman si rann na parang ilang libong oras kung magbihis. Nakaupo lang ako sa may sofa habang nilalaro yung kung anumang games meron sa phone ko.
“tara na?”narinig kong yaya niya sa akin. she was in black tank top and a short that is just half her thighs long. “mukha ba akong ano?”nag-aalangan niyang tanong sa akin.
“hot?”
“no.pokpok?”lapit niya sa akin.
Ginulo ko ang buhok niya,”ulol.ang-hot mo nga e,,,bakit ganyan ang suot mo?”
“nothing much. Ihahatid kita diba. para hindi ako mabuking ni tita.”she seriously said.
Nag-arkila na kami ng tricycle papunta sa bahay namin. Nakipagkwentuhan pa siya kay mama at nakipagkulitan kay ivvo. She’s waiting for ate shu yin’s call daw if ready na yung resort. Naririnig ko silang nagkukulitan mula sa kusina.
“ate rann…may boyfriend ka?”tanong ni ivvo sa kanya.
“wala e..bakit?”
“uhm…pag magkakaboyfriend ka piliin mo yung tulad ko ha? yung mabait tapos magaling kumanta,”pagmamalaki niya. sumilip naman ako sa kanila.
Ginulo ni rann ang buhok niya at niwresting bigla.”naku kung magaling kumanta chicboi yun ayoko ng maraming kaagaw.”
“paran g si kuya PJ?”
“bakit? Magaling ba siyang kumanta?”
“oo…lagi nga niyang hinaharana si ate noon e…tapos pag galit si ate magdamag siyang kakanta sa tawag..naririnig ko yun kasi nakaloudspeaker yung phone ni ate.”
“ivvo…bumili ka nga ng yelo,”utos ko sa kanya.
sumunod naman sa kusina si rann.naupo at nakapangalumbaba na naman habangnakatingal sa akin.”di mo nakwento sa akin yun ah.”
“alin?”
“yung mga sinabi ni ivvo kanina”
“do I have to tell you everything?”masungit kong tugon.
“ok…”biglang nalungkot ang mukha niya.”angtagal tumawag ni ate shu yin.”sambit niya at nagpunta na sa sala. Parang angbigat naman ng katawan niya. yung dami siguro ng nainom niya kagabi.
Dinalhan ko siya ng malamig na tubig,”ubusin mo yan para hindi parang dehydrated ang feeling mo.”napansin ko kasi yung labi niya na parang natutuyot. AT BAKIT SA LABI NIYA AKO NAPAPATINGIN.?!! >___< pagbalik ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa lapag at binubuo yung jagsaw puzzle ni ivvo.
“nauto ka na naman ni ivvo.”
Ngumiti lang siya.”I love doing this.”
“alin? Puzzle or magpalakas kay ivvo?”biro ko sa kanya.
Hindi naman siya umimik at itinuloy yung paghahanap ng piece na magmamatach sa part na inaayos niya. tumayo siya at kinuha yung towel,”don’t you dare touch that…”magfefreshen up daw muna siya.
Pero ako naman si nacucurious sa ginagawa niya. sinubukan kong gawin yung sa left portion. Konti lang. hanggan sa yung konti ay nakalahati na. nag-eenjoy na ako sa kakahanap ng mga puzzle pieces at kakamatch kasi.
“last piece…”sabay taas ko pa ng huling piraso ng puzzle.
Siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa nun si Rann na nagpupunas ng mukha niya. napatigil siya at nakatingin lang sa akin. tiningnan niya ako na parang may nagawa akong malaking kasalanan. “anong ginawa mo..”she disappointedly asked.
“tinulungan ka…see? Tapos na oh…”pagmamalaki ko pa.
Lumapit siya pero hindi pa rin nagbabago yung ekspresiyon ng mukha niya,”sabi kong huwag mong papakialaman e..”pigil galit niya sa akin.
“parang binuo ko lang naman para hindi ka na magpuyat.”pagrarason ko sa kanya.
“e sa gusto ko nga ako ang bubuo!”napabulyaw siya.
Nagulat ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Angbabaw naman ng galit niya.dahil lang sa jigsaw puzzle magkakaganito siya. I just also flared up. Kinuha ko yung jigsaw puzzle,”ito ang ikinagagalit mo?”pinakita ko sa kanya yung puzzle at ibinagsak ulit sa sahig.”yan buuin mo ulit! mag-isa!”
Saka ako humiga at nagkumot. Damn.. never akong sinigawa ni PJ tapos ito siya sisigawan ako dahil sa jigsaw puzzle na yan. Bahala siyang buuin ang 200 pieces puzzle. Tumalikod na lang ako. she’s so silent. Makaraan ang ilang minuto ay sinilip ko kung ano ang ginagawa niya.
She’s picking all the puzzle pieces na nagkalat sa kwarto. Inipon niya ang mga iyon at inumpisahan na naman itong buuin. Naka-indian squat siya at nakatitig sa mga piraso jigsaw. Naguiguilty naman ako. past 11 na pero hindi pa rin niya tinitigilan. Napapahikab na siya. ayoko siyang lapitan dahil baka mas magalit pa siya. naupo lang ako at pinanood siya. gustong gusto ko nang magsorry pero she;s not even talking. Kahit alam na niyang pinapanood ko siya. tumayo siya at parang may hinahanap sa mga silong ng mesa at upuan.
“excuse me.”she coldly said at sumilip sa ilalim ng kama. May inabot siya doon. Yung huling piraso ng jigsaw at inilagat na niya sa board.”finish..”she sighed. Saka niya kinuha yung plastic cover at binalot ito.
She then went out dala-dala yung puzzle.
Nang pumasok siya ay nilinis na niya yung mga kalat sa lapag. Naupo na rin siya sa tabi ko pagkatapos.
“sorryyyy”hinila-hila ko yung kanang braso niya.
“ok…”saka niya ulit kinuha yung phone niya sa study table.
“eeeeeee parang hindi naman okeeeiiiiiii” simangot ko.
“you said sorry na..tapos na..okei na.”tugon naman niya. pero angcold pa rin.
“naman eeee. Bakit angcold mo pa rin sa akin?”
Then I saw that smile. That devil smile on her.”you want it warm? You want a hug or a kiss?”paghahamon niya sa kin at dahan-dahang inilalapit ang mukha as she leaned her right hand on my bed.
“rann..hindi maganda biro to…”I manage to utter.
She stopped pero anglapit pa rin ng mukha niya sa akin,”kagabi hinalikan kita diba? anong feeling? Anong feeling ng halikan ng babae? Ano kayang feeling ng halikan ka…”inilalapit na naman niya ang mukha niya.”this time I’m not drunk”
Napapikit ako dahil ayokong Makita ang mga mata niya. as if I am being hypnotize. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. not again.
I heard her chuckled. Saka lagn ako nagmulat. Nakaayos na pala siya ng upo at binubutingting na yung phone niya.
Sh*t. pahiya ako dun ah.
“naguilty ka no?nung pinapanood mo akong buuin yung puzzle.”she casually said.
Tumango naman ako. “sorry…”
“sorry rin…hindi dapt kita sinigawan. Hindi ka niya sinisigawan diba?”she smiled but I knew she faked it. She then sighed.”ganun kaya tayo amg-away kung totoong girlfriend kita.”out of the blue niyang natanong. Saka siya humarap sa akin. “what if tayo na lang?”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. dahil hindi ko talaga alam!
She smiled weakly.”nevermind..baka mas maguluhan ka pa.”she set her alarm clock at 6 am. At umayos na ng higa. Sa may gilid siya ulit. nakatalikof kami sa isa’t-isa. I know she’s still awake.
“ayoko muna ng commitment”I softly said.”baka hindi rin kita kayang mahalin ng buo.”
“you don’t have to.”narinig kong tugon niya.
“hindi ako makakapagpromise rann. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.”
Naramdaman kong humarap siya sa akin. inilagay niya ang kaliwang braso niya sa ilalim ng ulo ko. nakatalikod pa rin ako sa kanya.”just let me be by your side astin..”she then kissed me at the back of my head.
“baka maabutan tayo ni ivvo na ganito”
Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.”don’t worry hon.. I locked the door.”saka niya ako niyakap ng mahigpit.”matulog ka na. pag hindi mo ako Makita bukas paggising mo umuwi na ako okei?”
I nodded.”goodnight rann.”
“goodnight eva justine borja.”
Rann hugged me tight. Nararamdaman ko ang paghinga niya sa batok ko. so calm. Niluwagan niya ang pagyakap sa akin at humarap ako sa kanya.tinitigan ko lang siya actually. Yung singkit niyang mga mata. Yung tangos ng ilong niya. pati yung mga naligaw na buhok sa mukha niya.
She smiled. And give me a smack kiss on my lips.”sleep or else…”
“what?”
“hindi lang smack ang aabutin mo sa akin.”she smirked. Pero nakapikit pa rin.
“tatalikod na lang ako.”
akmang tatalikod na ako ng hinapit niya ulit ako.”ganito lang tayo gang makatulog ka na..”then kissed my forehead.”sleep ka na hon..”
pumikit na lang ako. yung bilis ng heartbeat niya yata ang nagsilbing pamapatulog ko