4

2183 Words
-- 4-- RANN’s POV Binalikan ni aryana si jaymee sa gym. Member pala ng performing arts tong si jaymee at si JL kaya magiging butihing girflfriend daw muna tong si aryana. Tsk. Naglalakad kami ni astin papuntang town proper. “ok lang sayong maglakad?”tanong kong sa kanya. She nodded. “ako na lang magdadala niyan.” Turo niya sa bag niya.”hindi mo bagay e.” Shoulder bag kasi yun.tapos naka-ragged ako. inabot ko na nga. she sounds bossy kasi. Yung anytime na suwayin mo magagalit na. or imahinasyon ko lang yun.hehe. Mga sampung minuto na rin kaming naglalakad nang walang imikan. Grabe lang.hindi ko na to kaya.”astin…ok lang kung magkwento ako?” “game..”tipid niyang sagot. “I had a girl once…”pagsisimula ko. “bestfriend ko yun. pero I fell for her. then nilayuan niya ako.” “why?”tingin niya sa akin. “she sacrificed our friendship because of someone who loved me.”tugon ko naman. “ah..then?” “then yun… naging kami nung isa..pero it didn’t work out.” “coz you love you bestfriend more?” “yeap yeap..and tinotym lang ako nung gf ko ei”natatawa kong tugon sa kanya. “anong feeling?” “alin? Ang hiniwalayan o ang tinotym?”I casually asked. “both?” matama niyang tingin sa akin. “parehong masakit. Pero yun yun e. If hindi niya masaya sa akin sana sinabi niya nang mas maaga kesa umasa pa akong tatagal yung relasyon namin.” “gaano ba kayo katagal?” “almost a year rin..she broke up with me a week before out anniv.” Halos umikot lang sa buhay ko yung pag-uusap namin. Paminsan-minsan ay nagcocomment siya pero mas madalas ay tumatango na lang siya. parang napipilitan lang makinig sa akin. Hanggang makarating kami sa paradahan nila. “uwi ka na?” She nodded.”wala akong choice.” “lagi tayong may choice astin. Simula pa lang pumili ka na. and you chose to hold on. Kahit hindi na pwede.”I seriously said. Mataman niya akong tiningnan na wari nagsasabing huwag ko siyang pakialaman. “sorry…” “ok lang.”kinuha niya yung mga gamit niya.”uwi ka na rin..” Sumakay rin ako sa tricycle. “anong ginagawa mo?” “nakaupo? Ihahatid ka sa bahay niyo. Diba yun ang bilin ni aryana?”tugon ko sa kanya. She sighed. “uto-uto ka naman.” “hindi ako uto-uto. Sumusunod lang ako sa bilin ng kaibigan ko. kung may nangyari sa’yo kargo de konsensya ko pa.”pakikipagmatigasan ko sa kanya. “bahala ka.”singhal niya at inilabas ang i-pod niya. naglalaro na naman. ako naman inilagay ang earpieces ko at nakinig na lang sa musika. “adik ka sa i-pod” “oo…”tipid niyang sagot. Alam ko may mga sinasabi pa siya pero hindi ko maintindihan. Tsss. Nakaheadset nga pala ako. I remove my left earpiece.”ano yung sinabi mo?”lapit ko ng tainga ko sa kanya. Sheglared at me,”uli-uli kung kakausapin mo ako tanggalin mo yang headset mo!” parang galit niyang sabi sa akin. ^_^v-“sorry nurse astin.” Sabay puppy eyes on her. Inilayo niya ang mukha ko sa kanya gamit ang kanang kamay niya,”hindi mo bagay valedictorian..angpanget…” saka siya bahagyang nangiti. “tsk…kailangan ko pa palang magmukhang kaawa-awa bago ka matawa e…see? Yan. Mas maganda ka…”saka ko binalik ang headset ko at tumingin sa labas. Itinago naman na niya yung ipod niya at kinuha yung isang earpiece ko,”parinig na lang rin ako.” I got my phone and change the music. NP: CLOSING TIME(search niyo na lang sa youtube hehe) I love this song. E wala lang. I think it’s cute. Maya-maya ay parang nagbago ang mood niya at parang nalungkot. “bakit?”baling ko sa kanya. “may naalala lang ako.”tipid niyang sagot. “si PJ?” She nodded. Tss .agad kong kinuha yung phone ko at dinelete yung song. “bakit mo ginawa yun?adik ka ba?!” “phone ko to.wala kang pakialam. Tsss. Di ko na yun favorite,” saka ako nag-scan ng ibang song. “parang kang bata…” I pouted.”e ano? Tsss.” Buti hindi na siya nalungkot sa sumunod na kanta. Baka ireformat ko na yung memory card ko if ever. Tsk. ASTIN’s POV Angkulit rin nitong babaeng to. Nagpa-uto pa kay Aryana para ihatid ako sa bahay. Prang bata pang dinelete yung music nung makitang nalungkot ako. tsss. Ano ba namang klaseng babae to? Trying to please me in every little thing she can? Parang si….hmpf. huwag na nga. Nakarating na rin kami sa bahay namin. “tuloy ka muna.” Malugod naman siyang bumaba at nagbayad sa driver. “my treat. Bawi ka next time>”ngiti niya sa akin. Pagpasok ay naratnan namin si mama na nagluluto ng spaghetti. At yung nakababata kong kapatid na si ivvo, first year high school student, na pinapanood si mama.”mama, may bisita po tayo. Si Rann, Kaibigan namin ni aryana.” “good after noon po maam,”magalang naman niyang pagbati. Agad lumapit si ivvo dito at tiningnan mula ulo gang paa.”hi…”inilahad nito ang kanyang kamay.”kilala mo ba yung ex ni ate? pwede mo akong samahang bugbugin?” O_O---rann Kinutusan ko tong si ivvo,”puro ka kalokohan! Mandadamay ka pa.” “maupo ka muna rann,” utos ko sa kanya.”magbibihis lang ako.” RANN’s pov Nagulat ako sa kapatid ni Astin. Papabugbog daw si PJ? Adik na bata to. Parang close silang magkapatid. Nakaupo lang ako sa may sofa at paminsan-minsan at napapatingin sa mama niya na alam kong inoobserbahan ako. tss. Nacoconscious ako. “RAnn, schoolmate ka ba nina eva?” “hindi po maam,” “ah…” “paano kayo nagkakilala?” “kaibigan rin po niya yung dati kong schoolmate nung high school.”god, astin bilisan mong magbihis diyan. hindi ako sanay sa ganitong interogasyon. Tsss. “mama… iniinterbyu mo na agad? di ko manliligaw yan par interbyuhin.”takbo ni astin mula sa kwarto niya. saka lumapit sa akin.”sorry ha? ganyan lang talaga si mama.” Tumango lang ako. “ok lang.” “sure ka? Bakit angdami mong pawis?”natatawa niyang turo sa may noo ko. Tsss. Agad ko iyong pinunasan. “wala yan…” Lumapit rin si ivvo. “te, paturo dito..”binigay niya kay astin yung notebook niya.”kung andito sana si kuya PJ de siya na ang gagawa niyan.” Tiningan ni astin yung assignments ni ivvo. Algebra pala yun.”aaralin ko muna ha?” Sumimangot si IVvo.”angdami mo ring gagawin mamaya e..hindi mo na ako matutulungan.” Astin sighed. At napatingin sa akin. she smiled devilishly. ?_? “ui….”baling sa akin ni astin. “what?” “ikaw na gumawa oh.”abot niya sa akin ng notebook ni Ivvo.”bayaran na lang kita.” Kinuha ko naman yung notebook.”lahat talaga may bayad?”I puted.”kutusan kita jan ei>”pabulong kong sambit habang naupo sa sahig. “may sinasabi ka Ray anne Jhi?” said astin. “wala po Eva Justine…”saka ko inumpisahang turuan si ivvo. “buti naman. akala ko sabi mo kukutusan mo ako.”ismid niya. “narinig mo pala eee!”pagmamaktol ko naman. “bakit?gagawin mo??!” “hindi.”binalik ko na lang sa assignments ni ivvo ang atensyon ko. “hindi naman pala e. “saka siya tomayo at tumungo sa kusina. “pagpasensyahan mo na si ate ha? may topak lang yan.”bulong sa akin ni ivvo at natawa. “oo nga…angbossy..”tugon ko naman. “ganyan lang yan. Pero mabait yan. Pag si ate aryana nga ang andito hindi siya makaporma sa sungit nun ei.” Tinuloy na rin namin ang paggawa ng assignments niya. mukha namang naintindihan niya dahil yung huling limang problems ay siya na ang nagsolve. Napainat kaming pareaho nang matapos kami. “sa wakas,,,,”he exclaimed at umaktong pinunasan ang ilon niya.”nosebleed…” Ginulo ko naman ang buhok niya. “swerte naman ng mga kapatid mo te. May tutor na sila.” “minsan ko lang sila maturuan.”tugon ko dito. hindi naman kasi problema ng dawalang kapatid ko yung math e. kasi parnag inborn na sa amin yung galing sa math. Binibiro nga namin si mama na sa kakabilang niya ng lapad sa japan e naging henyo kaming tatlo sa mathematics. Well siyempre. Hindi totoo yun. masipag lang yug ndalwang kapatid ko talagang mag-aral. It’s almost  pm na rin pala. “magdinner ka na dito Rann.”alok sa akin ng mama niya.”bawal tumanggi dahil tinulungan mo si ivvo.” Pumayag na rin ako. inutusan niya si astin na ihanda nag dining table dahil lumabas muna sila ni icco para bumili raw ng softdrinks. “ui tulungan mo ko dito.”said astin. “kakatapos ko lang turuan yung kapatid mo. Tutlungan na naman kita?”angal ko naman. “sige na… lubus-lubusin mo na.” “fine…” Naupo naman na siya at parang pinapanood na lang akong ihanda ang mesa.”akala ko ba tutulungan lang kita?bakit parang ako na lahat ang gumagawa?’ Ngumiti lang siya. “ganyan ka ba sa mga ex mo?”she seriously asked,”ganyan ka ba kay niña?” “paano mo nalaman yung about niña?” “kinwento mo. Makakalimutin mo naman.”nakapangalumbaba siya. “ah.hindi gaano. Si niña ang nagsisilbi sa akin. most of the time.” paglalahad ko sa kanya habang inilalagay ko yung mga plato sa mesa. Tumango-tango lang siya. “you know how to cook?” I nodded. “bakit?” Umiling siya.”you know how to play the guitar?” “konti.” Tumango-tango ulit siya. tumigil lang siya sa pagtatanong nung dumating ang mama niya at si ivvo. Habang kumakain ay pinagkwento naman ako ng mama niya tungkol sa pamilya ko. si icco ang naghugas after. Tumambay kami ni astin sa labas ng bahay nila. may parang shed dun na may mahabang upuang kahoy. “astin pwedeng patawag?”I asked. “sinong tatawagan mo?” “si mama, magpapasundo ako sa pinsan ko.” She gave me her phone. after namin mag-usap ni mama at binalik ko na rin ang phone niya. “thank you.” “so ano? Pupunta ka ulit sa school bukas?” “I don’t know. Need ko mag-overtime sa work e. tatawagan ko na lan si maam para kumuha ng ibang magjajudge. Saka don’t worry mataas naman ang grade niyo ni aryana e.”ngiti ko sa kanya. “thank you pala sa pag-save sa amin ni aryana kanina.” “wala yun.”saka ako sumandal sa upuan.”hay…life is too short to be wasted.” “huh? Anong konek?” “wala. I miss my friends..” “baka naman your exes?” “baka ikaw jan…”biro ko sa kanya. Bigla siyang natahimik.demn. wrong move. Nalungkot na naman siya. “yeah. I miss him. So much. Siguro mas masaya siya sa bago niya.” Saktong paglabas naman ni ivvo dala-dala ang isang gitara.”ate astin. Pa-tono mo naman to.” “hindi ako marunong magtono niyan. Bakit kasi nagpaturo-turo ka pa kay PJ.” Hinablot ko yung gitara.”amin na…” “marunong ka?” Umiling ako. lumabas ako at sumunod naman sila sa may gate. pinuntahan ko yung mga nagkakantahan sa kabilang kalsada at pinatono yung gitara. “yan..de okei na…”pagmamalaki k okay astin. “lakasan lang ng loob yan.” “hindi kasi ako gaano naglalalabas ng bahay.”she softly said. “mabuti rin yun. mukha kasing lapitin ka ng lalaki e.” naupo na ulit kami sa may lilim. Tumugtog si Ivvo. Yung when you say nothing at all. Angsuportive namang ate nitong si astin kahit sablay minsan si ivvo e tuwang-tuwa pa rin siyang nakikinig. Tinawag naman si ivvo ng mama nila. Inabot ni astin sa akin yung gitara.”play for me.” “utosera ka..” “patunayan mong magaling ka gaya ng sinasabi ni maam esteban,”para siyang naghahamon e. de geh lang. Umayos siya nang upo at isinandal ang siko sa may sandalan ng kahoy na upuan.”game valedictorian…” ismid niya. “I’m not a good singer. Joke lang ni maam yun.” “angdaming satsat eee.”irap ulit niya. I sighed. “smile astin. Nobody falls inlove with a frown..” NP: with a smiled by eraserheads (play niyo yung vid para may soundtrack.hahaha…) Lift your head, baby, don't be scared  Of the things that could go wrong along the way  You'll get by with a smile  You can't win at everything but you can try. Habang naggigitara ako ay parang namumuo ang mga luha ni astin. But she’s somewhat smiling. Then sinabayan niya na akong kumanta. Baby, you don't have to worry  'Coz there ain't no need to hurry  No one ever said that there's an easy way  When they're closing all their doors  And they don't want you anymore  This sounds funny but I'll say it anyway. Girl I'll stay through the bad times  Even if I have to fetch you everyday  I'll get by if you smile  You can never be too happy in this life. Dumating na rin si ivvo at sinabayan na rin kami. naupo siya sa tabi ni astin. In a world where everybody  Hates a happy ending story  It's a wonder love can make the world go round  And don't let it bring you down  And turn your face into a frown  You'll get along with a little prayer and a song  (Too doo doo...)  Let me hear you sing it  (Too doo doo...) Tumigil ako sa paggitara at kinanta ang mga sumunod na linya nang acapella. In a world where everybody  Hates a happy ending story  It's a wonder love can make the world go round  But don't let it bring you down  And turn your face into a frown  You'll get along with a little prayer and a song. Lift your head, baby, don't be scared  Of the things that could go wrong along the way  You'll get by with a smile  Now it's time to kiss away those tears goodbye (Too doo doo...)  Let me hear you sing it I winked at her and drew smiled on my face. And I saw her smile again. Parang pangalawang beses ko pa lang nakikita yun. “palakpak ka naman kahit napipilitan ka.”simangot ko sa kanya. Pumalakpak naman siya. yung palakpak ng batang tuwang-tuwa lang e. hehehe. “galing mo manira ng kanta Ray Anne Jhi.” I pouted. Saka rin may bumusina sa labad.”andiyan na yung sundo ko.” “buti hindi naligaw.” “Paanong maliligaw yun e. sabi ko sa bahay ng pinakalamalakas ang s*x appeal na nursing student sa bstreet na to.”pagyayabang ko sa kanya. “bolero ka rin e.”nagpaalam muna ako sa mama niya saka niya ako hinatid sa may gate nila. “so paano? See you when I see you?”paalam ko sa kanya. She nodded.”okei. ingat.” Pasakay na ako ng tricycle nang napatigil ako,.”ah…uhm… astin.. pwedeng kunin ko na lang number mo?”lakas ng loob kong tanong sa kanya. She looked at me like what? Yung iniisip kong ibibigay o hindi. “ah never mind. Saka na lang .if you trust me already. Sige na pasok ka na. malamok dito ei.” “amin na yung phone mo…” then inabot niya yung phone niya sa akin.”type your number.” Yun rin ang ginawa niya sa phone ko. tinype niya yung number niya. then she handed it back to me. “I don’t give my number at once. Sa ilang pinagkakatiwalaan ko lang. “she smiled,”pag yan kumalat kasalanan mo.” Nagsaludo namn ako sa kanya,”yes maam astin.” Nagpaalam na rin ako sa kanya. paalis pa lang ang tricycle ng makaricib ako ng message mula kay astin. EVA_JUSTINE: thank you. Full name talaga ei noh. uhm. Atleast ngumiti siya kahit papano. Simleng thank you lang pero it felt contented.  --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD