“AND THAT’S what happened. The end,” pagtatapos ni Nurie sa paglalahad niya sa nangyari sa kanya noong nagdaang initiation week.
Dahil nga sa mayroon lang silang isa’t kalahating oras na break ay siniguro ni Nurie na maiksi lang ang pagkakakwento niya nang mga pangyayari dahil maliban sa hindi lang siya ang magkukwento ay may gusto rin siyang itanong at i-share na napansin niya sa nangyari sa kanya.
As the person who experienced that miraculous thing, Nurie was also surprised and shocked about what happened that day. Hindi niya kailan man inasahan o kahit man lang pumasok sa kanyang isipan ang ganoong bagay na mangyayari sa kanya.
She probably imagined something similar to those but not particularly similar to what actually happened.
“Okay, before you give your reaction, I just want to ask you a question. Naisip ko lang ito nang maalala ko iyong seminar last year about the banning of using heat boosters,” panimula ni Nurie na seryoso pang napatingin sa mga kaibigan.
Wala tuloy naging choice sina Sabina at Ynggrid kung ’di ang pagbigyan si Nurie kahit pa nga gustong-gusto na nila ang magtanong sa nangyari sa kanya sa nagdaang linggo. Lalo na kung ano ang nangyari matapos. Katulad kasi nila ay halos isang linggo ring lumiban sa klase si Nurie.
“Do you still remember what were the effects on the body of an omega once a certain amount of those illegal heat boosters were injected in the body?”
“Diretsuhin mo na lang kaya?” Hindi na makapaghintay pang ani Ynggrid.
Hindi naman napigilan ni Nurie ang sariling batuhin si Ynggrid ng nadampot na fries imbes na idiretso iyon sa bunganga.
“Bakit ba nangingialam ka? This is my story, and it’s still my turn of sharing kaya h’wag ka munang magulo diyan,” nakaismid na wika ni Nurie.
“Ay, grabe? Nabato na nga ng fries napagalitan pa. Oh sige na, tatahimik na po. Kakatakot ka naman!” At eksaherada pang napahawak si Ynggrid sa kanyang dibdib.
Natatawang sumingit naman si Sabina. “Ikaw naman kasi, Ynggrid napaka mo. Learn to be a listener din kasi pag may time.”
Malakas na umismid lang si Ynggrid pero gaya ng sabi ay hindi na nga muling nagsalita. Pero hindi naman ito nagtampo o umaktong wala nang balak makinig sa kwento dahil nakatingin lang siya kay Nurie with her waiting-for-some-chismis look.
Hindi tuloy malaman ni Nurie kung matatawa ba siya o ano. Sa huli ay pagak siyang napaubo bago muling itinuloy ang dapat sanang sasabihin.
“Ipapaalala ko na lang sa inyo muna iyong tungkol sa effect ng heat booster sa omega. According to them, maliban sa effect na magkakaroon ng forced heat ang omega, it can also make changes on the hormones especially the omegan hormones which may lead to a hormonal imbalance. And if I remember it right, one symptom of a hormonal imbalance is the irregularity of omega’s heat, the irregular changes on the pheromones, and others.”
Napatango-tango naman sina Ynggrid at Sabina sa sinabing iyon ni Nurie dahil nga sa katatapos lang nilang discussion tungkol sa hormonal imbalance na siyang topic nila sa huling klase nila bago ang kanilang break.
“So dapat, ang possible effects na mararanasan ko after being injected with heat boosters aside from a forced heat, will be weak. You all know about my disparity as an omega. Kahit pa anong overdose ang gawin nila sa akin, I shouldn’t lost my sanity like a senseless omega just from smelling an alpha’s pheromone!”
“Oh, right! Nabanggit mo na nga ang tungkol sa pagkakaamoy mo sa pheromone ni Arnoux. And if I remember it right, your defect—sorry for the word, my friend—but we all know that you can’t smell or be affected by any pheromone whether they may be from a dominant alpha, or a dominant omega. Kaya nakakapagtaka nga naman talaga na bigla ka na lang makaamoy ng pheromone. Speaking of, try mo kayang amuyin ang pheromone ni Sabina, Nurie!”
Nagkatinginan sina Nurie at Sabina. Si Nurie dahil nga sa doon niya lang naalala ang tungkol roon. Sa sobra yatang pagkabigla nila tungkol sa nangyari sa kanila ni Arnoux ay hindi niya naalala ang tungkol doon. So she never tried to try and smell other people’s scent.
As for Sabina, she was worried for her friend lalo na nga at alam na nila ang tungkol sa pagiging mated nito sa isang dominant alpha.
Alam na nila ang tungkol sa katotohanan na kapag mated na ang isang omega sa isang dominant alpha, lalo na ang katulad ni Arnoux na isa sa mga high quality alpha, may possibility na hindi na magawa pang makaamoy ni Nurie ng pheromone ng mas mababang gender aside from the same omega.
And since Sabina is an alpha, and a sub at that, she quietly knew that Nurie might not smell her scent.
“Just try it, Sabina. Kung nag-aalala ka tungkol sa possibility na hindi maamoy ni Nurie ang pheromone mo, baka nakakalimutan mong mated ka na rin sa isa pang high-quality alpha?” biglang paalala ni Ynggrid na muling nagpatigil kina Nurie at Sabina.
Nurie had a refreshed expression as she was reminded about the possibility of her unable to smell Sabina’s scent since the alpha whom marked her is not only a dominant but a high quality one.
As for Sabina, her white and flawless face turned red. She’s obviously flustered on what Ynggrid had said pero hindi naman niya iyon maitanggi dahil may katotohanan ang sinabing iyon ng kaibigan.
At para kahit papaano ay mabawasan ang hiyang nararamdaman ay pekeng umubo muna si Sabina bago nagsalita. “Will it really be okay if I tried, Nurie?”
Mabilis na tumango si Nurie bilang sagot. Hindi niya maiwasan ang ma-excite sa gagawin nilang experiment. Wala pa mang nangyayari ay kung anu-ano na ang pumasok sa utak niya na maaaring mangyari.
Like what if she could really smell other people’s smell? Ibig sabihin lang noon ay hindi na siya abnormal katulad ng nakasanayan niya. She will be a normal omega for the first time.
“When are you going to release your pheromone, Sabina?”
Hindi na makapaghintay na nagtanong na si Nurie nang lumipas na ang dalawang minuto ay hindi pa rin siya nakakaamoy ng kung anong amoy. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman kailangang umabot ng isang minuto bago magpakawala ng pheromone. Isipin mo lang ay lalabas na ang pheromone ng isang shifter.
Ang pinagkaibahan lang naman ng mga shifter sa legendary wolves ay mayroon lang silang pheromone na kaya nilang i-will kung papalabasin nila o hindi. Hindi katulad ng legendary werewolf na maliban sa pheromone ay mayroon din silang scent na tinatawag kung saan natural na lumalabas mula sa kanila.
“But I had been releasing my pheromones. Hindi mo ba naaamoy?” nagtatakang saad ni Sabina.
Ang kaninang pagkakangiti ni Nurie ay bigla na lang naglaho. The excitement she had, vanished like a magic upon realizing something. At nang mapagtanto din iyon ng mga kaibigan ay tahimik na nagkatinginan muna ang dalawa bago mabilis na pinagitnaan ng upo si Nurie.
Balak sana nilang i-cheer si Nurie dahil nga sa pag-aakalang malulungkot ito pagkatapos mabigyan ng pag-asa tapos ay hindi naman pala mangyayari pero naunang magsalita si Nurie.
“Now that I remember, I have noticed how I could smell Arnoux’ scent even though I am sure he wasn’t trying to release his pheromones. Kahit kaninang pagdating nila sa room, I was able to smell his scent from afar, but because of the mark, I only thought of it as his remaining scent on me.”
“You mean, you can only smell his pheromones and nothing else?” mabilis na tanong ni Sabina na nakuha agad ang pinupunto ni Nurie.
“Maybe?”
Sabay-sabay na natahimik ang magkakaibigan at kanya-kanyang nag-isip.
“So ang ibig mo bang sabihin ay after you are marked by a dominant alpha like Arnoux, parang biglang nagkaroon ng trigger sa ’yo to the point that your omegan traits such as being able to smell pheromones—though it was only the pheromone of the alpha who marked you—but that’s an improvement, right?” Sabina, who had been an optimist, tried to look at the situation in a positive light.
“Then there is a high possibility that his scent has something to do with your disparity?”
Sunod-sunod na napatango si Nurie. Pero bago pa man siya makapagsalita ay si Ynggrid naman ang nagbigay ng sariling conjecture.
“Saglit. Baka nakakalimutan niyo na bago pa man mamarkahan si Nurie ay nagawa na niyang maamoy ang pheromones ni Arnoux. Pero agree din naman ako sa sinasabi ni Nurie about the heat booster being the trigger to that. So maybe…” Ynggrid hung her words and she did it timely.
Halos ingudngod na ni Nurie at Sabina ang mukha sa kanya sa sobrang kagustuhang marinig ang sunod na sasabihin niya. Pero nang ilang segundo na ang lumipas na wala silang naririnig ay ilang sandali muna silang natigilan bago sabay na dumampot ulit ng fries at itinapon sa kaibigan.
“Pabitin ka pa! Akala mo naman!” inis na reklamo ni Sabina.
Napatawa na lang si Ynggrid bago isa-isang pinulot ang fries na sumabit sa katawan niya sabay subo sa kanyang bibig.
Pagkatapos ay nagpatuloy siyang muli sa kanyang sinasabi. “What I’m trying to say girls, is that maybe it was all fated. Nurie and Arnoux is a fated pair. Period.”
“Fated like those in the legend?” sabay na tanong ni Sabina at Nurie.
“Alangan. Bakit, may iba pa bang fated na term?” pabalang na sagot ni Ynggrid. “At tsaka, hindi ba at according sa history books lalo na tungkol sa legendary werewolves na kapag nahanap mo ang fated pair na inilaan sa ’yo ng Moon Goddess, you will no longer smell any scent or pheromone aside from your mated pair. Mapa-omega or alpha ka man.”
Napaisip naman si Nurie tungkol sa mga lesson nila tungkol sa legendary fated mates na minsan ding nababanggit lalo na sa tuwing ang usapan ay tungkol sa mates.
According to the legend—since mostly all the lists of fated mates were happened when there are no shifters yet but only the pure blooded werewolves around—werewolves can mate with anyone but no one can ever deny one’s fated mates no matter what because it was the person that the Moon Goddess assigned with them.
At kung ikukumpara ang ngayon sa noon, napakasagrado talaga ng salitang mates dahil hindi ka lang sumusumpa sa harap ng maraming tao kung ’di sumusumpa ka mismo sa harap ng Moon Goddess. Maliban doon ay talagang napakamahiwaga ang mateship noon dahil nga sa iisang tao ka lang maaaring umibig at panghahawakan mo ang sumpaang iyon panghabang buhay.
So the benefits of mated pairs before were more powerful than what their shifters had which was very pale in comparison.
Kung noon, hindi basta-basta nakikipagkasuduan ng kasal dahil una ay hindi pa uso noon ang kasal at lalong ibang term ang kasal kumpara noon na mas sagrado at banal. Maaari ka lang ikasal kapag nakasumpa na kayo sa harap ng Moon Goddess at may blessing ang magkapareha mula sa goddess lalo na kung hindi naman sila fated mates.
Hindi tulad ngayon na ultimo s*x na dapat ay ginagawa lang ng mated pairs ay nagagawa na rin kahit pa nga sa kahit sinong matipuhan lang.
What made the so-called legend interesting for Nurie is how special the fated mates before. Isa na sa espesyal na katangian ng fated mates ay kung paanong kahit hindi pa man namamarkahan ng dalawa ang isa’t isa ay tanging ang mga scent nila o pheromone ang tanging makakaapekto sa kanila pagdating sa usapang sekswal. In other words, only each other’s scent and pheromone will give that aphrodisiac effect on each other.
Very different from their current era. Pero hindi iyon ang mas nakakuha ng pansin ni Nurie kung ’di ang tungkol nga sa sinabi nito.
“So are you telling me that the legend was still applicable to us, shifters who ’re already long forgotten by the Moon Goddess?” pagbabasag na tanong ni Sabina.
Sa tanong na iyon ni Sabina ay mabilis ding itinanggi ni Nurie ang posibilidad na namuo sa kanyang isipan matapos marinig ang sinabi ni Ynggrid.
Dahil oo nga naman. Maaaring marami pa rin ang naniniwala tungkol sa legend na ’yan and Nurie wasn’t saying that they weren’t true. Ang hindi lang niya masang-ayunan ay kung paanong hanggang ngayon ay maaaring mangyari pa rin ang ganoong bagay.
Lalo na sa kanya na walang bahid o kahit katiting na dugo sa katawan ng isang legendary pure blooded werewolves. Paano naman siya kakalugdan ng Moon Goddess to the point na bibigyan siya nito ng mala-mahikang fated mate?
“Why not, though? Are you telling me that we don’t deserve the Moon Goddess’ favor just because of being a shifter and without any pure blood?” balik na tanong ni Ynggrid.
Bago pa man mauwi sa mainit na diskusyon ang dalawa ay sumingit na si Nurie.
“Okay, enough about that. Let’s just move to a new topic. How about ikaw naman ang mag-share ng sarili mong escapades sa nagdaang initiation week, Sabina?” Nurie asked.
Maliban sa ayaw niyang mauwi sa bangayan ang dalawa, Nurie think that if she let them speak more, she would end up assuming and hope for something impossible.